Sharlene at Marco, magsisipag sa Wansapanataym

MANILA, Philippines – Muling tuturuan ni Chokee (Marco Masa) ng leksyon ang ama-amahan ni Sisay (Sharlene San Pedro) na si Ramjay (Lemuel Pelayo) dahil sa pagiging batugan nito sa pagpapatuloy ng kwentong kapupulutan ng aral sa Wansapanataym Presents: Susi ni Sisay ngayong Linggo (Feb 14). Matapos bumalik ni Chokee sa bahay nina Sisay, muling nanumbalik ang pagiging tamad ni Ramjay at tuluyang naging pabigat sa kanilang pamilya. Dahil dito, magpapanggap na multo si Chokee at tatakutin si Ramjay upang magtanda ito at turuan ng leksyon.

Sabay din sa kanyang pagbabalik, muli niyang makikita si Susan (Jolina Magdangal) at susubukang bawiin ang susi ng lagusan. Ngunit ang hindi nito alam, wala na kay Susan ang susi. Kasama rin sa cast ng Wansapanataym Presents: Susi ni Sisay sina Marvin Agustin, Tetchie Agbayani at Matet De Leon. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Wenn V. Deramas at panulat nina Mari Lamasan at Raymond Diamzon.

Show comments