Umamin na sa totoong nararamdam Dahil kay Kathryn, Daniel kumpleto na raw ang buhay
- Vinia Vivar (Pang-masa) - February 5, 2016 - 9:00am

Finally ay umamin na rin sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa totoo nilang nararamdaman para sa isa’t isa. Sa finale and thanksgiving presscon ng Pangako Sa ‘Yo, hindi na nakapag-deny pa ang dalawa at kitang-kita rin naman dahil buong ningning silang magka-holding hands habang on­going ang Q&A.

Nakakatuwa nga silang pagmasdan dahil tumodo na talaga ang sweetness nila at kulang na lang ay langgamin sila. Tinginan pa lang, obvious talaga that love is in the air at hindi nila talaga maitago.

“Napaka-obvious naman kasi, ‘di ba?” say din ni DJ (tawag kay Daniel). “Ako, ‘yung sinasabi ko lang naman, ang hirap mag-isip ng kasinungalingan, eh. Kaya naisip ko habang tinatanong n’yo ako, ‘pag nag-isip pa ako ng kasinungalingan, mahihirapan ako, baka mag-buckle pa ako. So, ‘yung totoo na lang ang sinabi ko.

“And feeling ko lang, you deserve an answer and you got it,” say ni Daniel.

At ano ‘yung answer na ‘yun?

“It is love. The answer is love,” diretsong sagot ni Daniel.

Nang si Kathryn naman ang tanungin, ganu’n din halos ang sinabi niya.

“Ang hirap kasi na parang. . .hindi naman sa inuuto mo ‘yung mga tao or parang pinapaikot mo sila, ganu’n. Basta kami, usapan namin ni DJ, on or off cam, importante ‘yung ipapakita natin sa kanila kung ano ‘yung totoo. ‘Yun talaga.

“And kung ano ‘yung nakikita n’yo ngayon, ganu’n po talaga, eh. Maybe grabe talaga ‘yung care namin sa isa’t isa and sobrang importante, grabe, malaking parte na kami ng isa’t isa. Parang magnet na kaming dalawa, hindi mo na mapaghihiwalay. Ang kung ano ‘yung nakikita n’yo, ‘yun lang po ang totoo talaga,” say ni Kathryn.

At one point ay naging emotional si Daniel habang sinasabi kung gaano siya ka-proud kay Kathryn.

“Grabe na rin pala ‘yung pinagsamahan naming dalawa. Na sobrang napa-proud lang ako kay Kathryn sa lahat ng nararating din niya ngayon na magkasama kaming dalawa. Na ako ang kasama niya sa lahat ng nararating niya ngayon. Very proud ako roon.

Very proud and very thankful sa lahat ng. . . nagiging emotional ako, eh,” seryosong sabi ni Daniel.

“’Yun nga, very proud ako kay Kathryn sa lahat ng nangyayari sa amin ngayon, and kaming dalawa, very happy kami sa isa’t isa. Para sa akin, napakabait lang talaga ng Diyos,

“At ngayon, wala na akong hinahanap pang iba, wala na akong kailangan pang iba. ‘Pag inisiip ko paggising ko kung may kulang pa ba sa akin, wala, okay na ako, ganu’n na ang estado ko ngayon. Dahil sa show na ito, sobrang nag-mature ako sa show na ito, ‘yun ang masasabi ko.

“Gusto ko lang magpasalamat sa inyong lahat at sa lahat ng nakasama ko sa show, thank you. Sobrang solid nitong Pangako sa ‘Yo,” seryosong pahayag pa ng Teen King.

Ang pangako ni Daniel kay Kathryn, “lagi akong nandito para sa kanya and hindi ko siya pababayaan.”

Ano naman ang pangako ni Kat sa kapareha?

“Siguro, kung mayroon akong napangako sa kanya na masasabi kong nagawa ko so far, sinabi namin na dapat intindihin namin ang isa’t isa, na ang tagal na naming magkasama, 4 years na loveteam. And pwede na sa mga years na ‘yan magkasawaan kayo or masyado n’yo nang kilala ang isa’t isa, it’s either tanggapin mo ‘yan or hindi mo tanggapin.

“Pero kaming dalawa, inintindi namin ang isa’t isa, and naging open kami pareho. Parang tinanggap ko siya as Daniel and tinanggap niya ako kung sino talaga ako. And parang natupad ‘yung pangako na ‘yun kasi ngayon, nararamdaman ko, nare-realize ko na parang nag-grow kami together,” say ni Kathryn.

Pero nang diretso silang tanungin kung sila na, ang tanging nasambit lang ni Daniel ay “huwag muna” at natatawang binitiwan ang mikropono.

Well, sa mga sinabi nila, kailangan pa ba nilang aminin na sila na?

Samantala, magtatapos na ang Pangako Sa ’Yo sa Feb. 12 at masayang-masaya ang buong cast at direktor na sa loob ng nine months na pagsasaere ng serye ay talagang namayagpag ito sa ratings and in fact, last Tuesday (Feb. 2), nakuha ng programa ang all-time high national TV rating na 40.6% base sa datos ng Kantar Media.

ACIRC AKO ANG DANIEL ISA KATHRYN LANG PANGAKO SA STRONG TALAGA YUNG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with