_pang-masa
^

Lovi pinagtatanggol pa rin si Rocco

- Vinia Vivar (Pang-masa) - February 3, 2016 - 9:00am

“It’s complicated,” ang birong sagot ni Lovi Poe nang matanong siya tungkol sa status ng kanyang love life sa pocket presscon para sa Fantaisie concert nila ni Solenn Heussaff.

Matatandaang late last year nang mag-break sila ni Rocco Nacino at ayaw nang idetalye pa ni Lovi ang tungkol sa hiwalayan.

“Siguro, I just wanna keep it private kung ano ‘yung nangyayari,” maikli niyang sagot.

May regrets ba?

“No, none, I’m completely happy where I am now,” nakangiti niyang sabi.

Pero aware ba siya na may mga isyung naglalabasan na ang dahilan ng hiwalayan ay may kinalaman sa pera?

Ang tsika kasing lumabas, diumano ay nagalaw ni Rocco ang joint account money nila kaya sila naghiwalay.

May tsika ring hindi pa naman talaga sila hiwalay at pinalalabas lang na wala na sila for the sake of their respective career, ano ang masasabi niya dito?

“Well, I don’t know, basta ‘yung nangyayari sa aming dalawa, I just wanna keep it private,” sabi ng young actress.

Samantala, sa February 6 na gaganapin ang Fantaisie concert  sa Music Museum at say ni Lovi, marami raw silang pasabog ni Solenn sa show.

“‘Yung pasabog namin dito is, imadyinin n’yo na lang na kasama n’yo kami ni Solenn in our very personal space which is our bedroom, so, what goes on in our bedrooms (ang makikita),” say ni Lovi.

Guests Fantaisie concert sina Ogie Alcasid, JC de Vera and Rodjun Cruz. Tickets are available at Music Museum or call 7216726 and Ticket World, 8919999.

Kiray ngayon lang nakaramdam na espesyal

Pagkatapos ng Love is Blind movie niya with Derek Ramsay, Solenn Heussaff and Kean Cipriano under Regal Films, nakatakdang bigyan si Kiray Cellis ni Mother Lily Monteverde ng solo movie which will launch her into full stardom.

Kaya naman sobrang happy si Kiray sa napakalaking mga break na ibinibigay sa kanya ng Regal Films na komento nga ng entertainment press sa presscon kahapon ng Love is Blind, hindi siya nabigyan ng home network na ABS-CBN ng ganitong oportunidad.

“Show nga, hindi nila ako mabigyan, ano ‘to?” natatawang sabi ni Kiray.

Pero sa mga nagtatanong kung may tampo siya sa ABS-CBN, ang lagi naman daw niyang sinasabi na wala naman.

“Kasi never naman po akong naging priority (sa ABS-CBN). Ba’t naman ako magtatampo? Kung ginawa nila akong bida du’n, baka “ano ba ‘yun, ba’t di nila ako binibigyan?” Pero never ko pong na-feel na special ako so, wala pong dapat ikatampo,” deklara ni Kiray.

Ano ang feeling niya na ilo-launch siya into full stardom ng Regal?

“Siyempre, mas pressure na naman po, eto na naman. Sabi ko nga, hindi pa nailalabas ‘yung movie na isa, may bago na naman. Sabi ko, hindi ko nga alam kung okay ba ‘to.”

So, sa Regal niya naramdaman na special siya?

“Sobra. I mean, grabe ang Regal. Totoo.”

Sa tingin niya ay kaya na ba niyang magdala ng sariling movie?

“Ayoko pong magyabang pero sana. Sabi sa akin ni Kuya Derek, huwag akong mag-alala or huwag akong ma-pressure. Sabi niya sa akin, magdasal lang daw ako, at ‘yun ang lagi kong ipinagdadasal,” she said.

When asked kung sino ang gusto niyang makapareha sa solo film niya, si Sam Milby pa rin na old-time crush niya ang kanyang sagot dahil loyal daw siya.

Pero sa ngayon ay wala pang detalye ang nasabing launching film niya at inaayos pa raw. Tapusin daw muna itong Love is Blind na showing na sa Feb. 10.

Heart bibitbitin pati ang mga kaibigan at kapatid sa probinsya

Sa successful launch ng kanyang exhibit na Oceans Apart sa Ayala Museum, ay sinabi ni Heart na thankful sila sa mga blessings na dumating nitong nakaraang taon lalo na ang pagkakaayos nila ng kanyang parents.

Ayaw raw nilang mag-asawa na mabahiran pa ng pulitika ang pag-renew nila ng wedding vows na nakatakda sana sa Feb. 15, ang kanilang first wedding anniversary.

Samantala, magse-ecelebrate naman ng Valentine’s Day at first wedding anniversary sina Heart at Sen. Chiz sa Sorsogon, ang hometown ng senador.

Ayon kay Heart, na magdiriwang din ng 31st birthday sa mismong Valentine’s  Day, ay simple lang ang gusto nyang celebration at ang importante ay kasama nya ang kanyang family and friends.

ACIRC ANG AYALA MUSEUM KIRAY LOVI MUSIC MUSEUM NAMAN NIYA PERO REGAL FILMS SABI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with