^

Pang Movies

Kahit lagare sa kasal nina Vic at Pauleen, Kalyeserye tuloy pa rin!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Special ang live presentation ng Eat Bulaga kahapon, walang absent sa mga Dabarkads kahit kinagabihan ay nandoon din silang lahat sa wedding ng kanilang Bossing Vic Sotto kay Pauleen Luna.  Ipinakita rin nila ang preparation ng venue sa pamamagitan ni Ryan Agoncillo na ipinasilip din ang kabuuan ng napakalaking St. James The Great Parish Church sa Ayala Alabang, na doon nagsisimba si Bossing at later, doon na rin sumisimba si Poleng.

Touching ang message ni Aiza Seguerra kay Pauleen: “Thank you for not giving up and thank you for loving Bossing the way he’s supposed to be loved.”

Natutuwa si Aiza na hindi na raw mag-iisa si Bossing dahil may makakasama na ito. Ang ganda ng suot ng dalawang lola si Nidora (Wally Bayola) at lola Tinidora (Jose Manalo) na pinasok ang room kung saan naglalaro raw ng candy crush ang groom. Ano naman kaya ang message ni Vic kay Pauleen, na pwede niyang i-share sa viewers?

“Ang pangakong magsasama kami habang buhay.  Thank you for loving me for what I am, ang mga pinagdaanan ko, tinanggap niya ako.”  Naiyak din sina Jose at Wally sa pagbibigay ng message kay Pauleen nang ang bride naman ang puntahan nila sa room nito.  Marami pa raw pagsubok silang pagdaraanan sa buhay-may-asawa pero sila lamang ang pwedeng lumutas anumang problema nila.

Ang message naman ni Pauleen kay Vic, “marami na rin tayong pinagdaanan, and I’m so blessed to have you and spend my life with you.”  Sa bahay muna ni Vic tutuloy si Pauleen after the wedding, dahil one month pa raw bago sila makalipat sa kanilang bagong bahay, na ipinatayo muna nila bago sila nagpakasal.

Hindi naman binigo ng EB ang mga viewers dahil ang sugod-bahay ay ginawa nila sa studio na ikinatuwa ng audience dahil nag-uwi sila ng malalaking premyo. Wala kasi sina Jose at Wally na nasa hotel na.

At siyempre, hindi pwedeng hindi ituloy ang love story nina Anselmo (Alden Ri­chards) at Nidora (Maine Mendoza) dahil gustong malaman ng mga viewers kung ano ang mangyayari sa star-crossed lovers.  Bailed in 1945 ang concept complete with the band and dancers.  Pero nandoon na rin ang mama (Paolo Ballesteros) ni Nidora at hinahanap sila.

Nagpakita ng kani-kanilang husay sa pagsayaw sina Anselmo at Nidora kasama ang isang waltz (na ni-rehearse nila last Friday evening).  More on this sa pagpapatuloy ng kalyeserye sa Lunes.  At tiyak ang coverage ng wedding nina Bossing Vic at Pauleen.

Aktres na sobrang unprofessional, kinatatakutan dahil sa lakas ng kapit sa mga boss

Napakalakas daw ng actress na ito sa kanyang home studio kaya kahit may reklamo sa kanya ang mga kasama niya sa isang show o movie na ginagawa nila, hindi nila ito maipaabot sa management.

Minsan daw ay halos kalahating araw naghintay ang mga co-stars ng actress sa last shooting day nila at may mga nagsabing kailangang malaman na ng kinauukulan ang tungkol dito, pero hindi sila nakapagsumbong nang sabihin ng isang nasa production na walang mang­yayari sa reklamo nila at baka sila pa ang mapagalitan dahil malakas nga sa itaas ang actress.  Kaya ngayon, kung kasama raw sa isang show o movie ang actress, tiis-tiis na lamang sila kapag sumusumpong ang pagka-unprofessional nito.

ACIRC

AIZA SEGUERRA

ALDEN RI

ANG

ANSELMO

MGA

NBSP

NIDORA

NILA

PAULEEN

SILA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with