AlDub sabay tumanggap ng award
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 26, 2016 - 9:00am

For the first time, magkasama nang tumanggap ng kanilang awards sina Alden Richards at Maine Mendoza nang sabay silang um-attend sa People of the Year awards ng People Asia last Monday evening, sa Sofitel Phi­lip­pine Plaza Hotel.

Dati kasi, may mga award na para sa dalawa, pero minsan si Alden lamang ang nandoon at kung minsan naman ay si Maine lamang ang nakakadalo. Medyo na-late man si Alden dahil may TVC shoot pa siya, naroon na siya bago magsimula ang award rites.  As usual, pinagkaguluhan sila ng mga um-attend ng awards night, at report ng isang nag-attend, “Alden and Maine are literally mobbed inside the ballroom of the Sofitel. We have to stalk them para makapagpa-picture sa kanila.”

May mga kumu-question kung bakit sila na ang napili para sa People’s Choice Awards ng People of the Year issue, since bago pa lamang ang loveteam.

Ayon sa publisher ng People Asia na si Babe Romualdez, for 16 years na ng kanilang magazine, it has been their goal to bring out stories of people from all walks of life who inspire, encourage and make a difference in the lives of others. Na kina Alden at Maine raw iyon dahil sa kanila, na-broke nila ang top Twitter record na 35.6 million ng 41million noong Tamang Panahon special ng Eat Bulaga. Isa raw global social phenomenon iyon at ngayon, every Filipino is aware of AlDub.

Sina Alden at Maine nga ang People’s Choice Awardees at si Rico Hizon of BBC Singapore ang nag-present ng award sa dalawa at sabi niya, he’s very proud of his fellow La Sallians. Parehong taga-La Salle sina Alden at Maine. Unang na-meet ni Rico Hizon ang AlDub nang interbyuhin niya ang mga ito para sa kanyang BBC News noong mag-co­ver siya rito ng APEC last year.

Bukod kina Alden at Maine ang iba pang awardees sa entertainment ay sina ZsaZsa Padilla, Vicky Morales-Reyno of GMA News, and Dr. Vicky Belo. Naroon din si John Arcilla.  Ang Lifetime Achievement awardee ay si Mr. Lucio Tan of the Philippine Airlines.

Ang People Asia Magazine ay published bi-monthly ng Stargate Media Corporation na si Atty. Ray C. Espinosa ang Chairman at Vice-Chairman si Mr. Miguel G. Belmonte.

Aray, Elmo Janine mas binagayan si Mark

Magtatapos na sa Friday ang morning drama series ni Janine Gutierrez na Dangwa na katambal sina Aljur Abrenica as Lorenzo at Mark Herras as Baste.

Si Lorenzo ang boyfriend ni Janine as Rosa, best friend niya si Baste na in-love din sa kanya. Seloso si Lorenzo at ayaw niyang lumalapit si Baste kay Rosa, to the point na nang minsang nakita niyang magkasama ang dala­wa, sinaktan niya, hindi lamang si Baste kundi si Rosa rin.

Kaya ang mga manonood, nagkampi-kampihan sa Twitter kung sino ang gusto nila, si Baste o si Lorenzo.

Maraming Team Baste, ayaw daw nila kay Lorenzo dahil sinasaktan niya si Rosa.

Mas gusto raw nilang si Baste ang makatuluyan ni Rosa, dahil tunay daw nagmamahal si Baste sa best friend niya. Kaya sino nga kaya ang magtata­gumpay sa puso ni Rosa?  Maging tunay na tao na kaya si Rosa kung ma­kakuha siya ng tunay na magmamahal sa kanya?

ACIRC ALDEN ALDEN AND MAINE ANG BASTE LORENZO NBSP PEOPLE PEOPLE ASIA PEOPLE OF THE YEAR RICO HIZON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with