Danny ng Apo Hiking… nakarating na raw sa langit, purgatoryo, at impyerno!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 25, 2016 - 9:00am

Na-survive ni Danny Javier ng dating Apo Hi­king Society ang halos ikinamatay niyang congestive heart failure, at ngayon, second life na raw niya ito, sa interview sa kanya ni Ms. Jessica Soho sa magazine show nitong Kapuso Mo, Jessica Soho na napanood noong Sunday sa GMA 7. 

Bakit siya nagpa-interview pagkatapos ng halos limang taon niyang pa­nanahimik nang ma-disband na ang kanilang grupo nina Jim Paredes at Buboy Garrovillo? Dahil daw si Jessica Soho ang nag-interview sa kanya.

Ikinuwento ni Danny ang iba’t ibang naging sakit niya noon, at ang napanaginipan niya habang hawak niya ang kamay ng kanyang anak.

Sa dream niya, nakita niya ang sarili kung saan-saan siya napunta, sa langit, sa purgatory at sa im­pyerno. Komedyante pa rin si Danny, at sa im­p­yer­no raw nakita niya ang marami niyang kaibigan na ayaw siyang papasukin kaya tinanong daw niya ang nagbabantay doon kung pwede siyang bumalik at doon daw siya nagising, hawak pa rin niya ang kamay ng anak niya. After noon, gumaling na siya sa mga sakit niya, every month na lang daw ang check-up niya para sa kanyang heart ailment at blood sugar. Hindi na rin siya kumakain ng meat, healthy ang diet niya na mostly vegetables.

Ayaw na ni Danny na bumalik sa pagkanta, mas gusto na lamang niyang magsulat ng kanta at maka­trabaho ang ibang singer-composers. Pero hindi nakatanggi si Danny nang hilingan siya ni Ms. Jessica na muling kumanta at nakipag-duet pa siya. Hindi pa rin nagbabago ang boses ng isa sa bumuo ng Apo Hiking Society.

Pauleen mas malakas nang lumamon kay Bossing

Sinimulan na kahapon sa Eat Bulaga ang interview nina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tidora (Paolo Ballesteros) at Lola Tinidora (Jose Manalo) para sa Vic-Pauleen Wedding Special.

Si Vic Sotto ang una nilang in-interview. Ano ang term of endearment nila ni Pauleen? ‘Babe’ pero si Pauleen ay may iba pang tawag sa kanya at siya na lamang ang tanungin.  Ano ang nagustuhan niya kay Pauleen? “Sa physical, wala nang hahanapin pa kay Poleng, pero iba ang nasa loob, maganda ang puso niya, mabait siyang anak, kaibigan at alam kong magiging mabuting asawa siya.”

Almost five years na rin silang mag-sweetheart at sa first anniversary nila, nag-dinner lamang sila sa labas, pareho raw sila ni Pauleen na gusto ng simple celebration lamang. 

Wala rin daw silang pinagtatalunan, tulad ng hindi kumakain si Poleng ng alimango pero dahil paborito niya i­yon, kumakain na rin daw ito ng alimango ngayon at mas matakaw pa sa kanya.

Hindi naman nakaligtas si Alden Richards sa pagtatanong ni Ruby Rodriguez kung kumakain ba siya talaga ng isaw. Hindi raw pero dahil gusto ni Yaya Dub, kumakain na rin siya, mas malakas pa siyang kumain. 

Biro ulit kay Alden, may five days pa sila ni Yaya para sumabay na sa wedding nina Bossing sa January 30. 

Anyways, sa gabi bago matulog, text-text lamang sina Vic at Pauleen ng good night at ang pagsasabi nila ng I love you.

May twist naman ngayon sa kalyeserye, dina-dramatize nila ang love affair ni Nidora kay Anselmo (played by Alden, na mala-superman ang hairstyle pero kukurap-kurap ang face niya) at ang batang Nidora, is played by Yaya Dub (Maine Mendoza), at Tidora plays the role ng malupit na mama ng tatlong lolas. Workshop on air ba ito for Alden and Maine na ang setting ay sa barangay at sa Broadway studio?

 

ACIRC ALDEN AND MAINE ANG JESSICA SOHO NBSP NIYA PAULEEN RIN SHY SIYA YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with