Camille sa Viber mini-meeting ang mapapangasawa
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - January 20, 2016 - 9:00am

Nagbahagi si Camille Prats ng ilang detalya ng kanyang magiging wedding sa fiancé na si VJ Yambao sa January 2017.

Isang intimate wedding daw ang plano nila at gaganapin ito sa resort nila Camille sa Batangas.

“Its going to be an outdoor wedding playing with colors.

“Gusto ko kasi may rustic na feel, maraming ilaw. Basta relaxed lang siya.

 “Si Patricia Santos ang gagawa ng wedding gown ko. She’s a dear friend. Hindi pa namin na-finalize ‘yung tela, ‘yung design palang,” diin pa ni Camille.

At kahit nasa U.S. ang kanyang fiancé, magagawa pa rin daw nitong makapagbigay ng suggestions sa magiging wedding nila ni Camille.

 “With the help of technology, it’s easier to communicate pati sa pagdedesisyon.

 “Gusto ko naman na marami din siyang magawa or kung ano ‘yung gusto niya, mangyari din sa kasal namin and for our house.

 “May Viber group na kasama siya. Kapag may mga meetings naka-loop din siya doon sa minutes ng meeting para alam din niya kung ano ‘yung nangyayari,” ngiti pa ni Camille na busy rin sa bagong teleserye ng GMA 7 na Wish I May.

Ikakasal na

Ikakasal na ang panganay na anak ni Albert Martinez na si Alyanna Martinez.

Roy Macam ang pangalan ng fiancé ni Alyanna na nagtatrabaho bilang isang photographer.  

Sa Instagram account ni Alyanna naganap ang announcement ng kanyang kasal.

Ginamitan pa ito ng hashtag na #RoyAlWedding2016.

Sa mga na-post na photos noong nakaraang January 18, present sa ginawang wedding announcement nila Roy at Alyanna ang kani-kanilang pamilya.

Pinost din ni Alyanna ang His and Her watches nila ng kanyang fiancé at makikita ang engagement ring na bigay sa kanya ni Roy.

Nag-propose nga raw si Roy kay Alyanna sa basecamp ng Mt. Everest noong nakaraang December 3, 2015. Nataon na 30th birthday ito ni Alyanna.

Gusto nga raw nila na ang kanilang wedding ay maganap sa isang intimate destination.

Nag-pose pa ang couple sa tabi ng picture ng yumaong ina ni Alyanna na si Liezl Martinez.

Pumanaw si Liezl noong March 2015 dahil sa sakit na cancer.

Na-miss din ni Alyanna sa importanteng gabing iyon ang kanyang Lolo Bobby (Sampaguita actor Romeo Vasquez ) na nakabalik na sa Amerika.

Na-miss din niya ang pumanaw niyang lolo na si Joey Stevens na second husband ng kanyang lola na si Amalia Fuentes.

Pero natuwa si Alyanna nang makarating ang kanyang Lolo Bert Martinez na ama ng kanyang Daddy Albert.

Caitlyn Jenner isasalin sa libro ang buhay

Isang libro tungkol sa kanyang buhay ngayon ang gustong gawin ni Caitlyn Jenner.

Tutulungan siya ng journalist na si Buzz Bisinger para maisulat at ma-release niya ang kanyang memoir.

Naka-schedule na sa Spring 2017 ilalabas ang libro sa ilalim ng Grand Central Publishing.

Ang kakaiba sa memoir na ito ni Caitlyn ay may kasama pa itong audio edition bukod sa paperback at hardbound edition.

“Things have been moving so quickly that it will be nice to slow things down a bit and take the proper time to reflect on this journey.

 “I couldn’t pick a better team, in Grand Central and Buzz, to make sure this story is told with a lot of honesty and care,” sey pa ni Caitlyn.

Kabilang sa mga magiging highlights ng memoir ni Caitlyn ay ang kanyang sit-down interview with Diane Sawyer, ang pagtanggap niya ng ESPY’s Arthur Ashe Courage Award, ang Glamour Woman of the Year Award, ang makasama siya sa Time’s Person of the Year short list at ang pagbansag sa kanyang bilang Most Fascinating Person of 2015 by Barbara Walters.

ACIRC ALBERT MARTINEZ ALYANNA ALYANNA MARTINEZ ANG ATILDE CAITLYN CAITLYN JENNER CAMILLE KANYANG NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with