_pang-masa
^

Pang Movies

Supporters ni Sen. Grace nag-ala Honor Thy Father!

Jun Nardo - Pang-masa

Umiral ang creativity ng supporters ni Senator Grace Poe na sumugod sa harapan ng Supreme Court sa Padre Faura St. sa Manila kahapon kaugnay ng pagsisimula sa oral argumentation sa petis­yon na i-disqualify siya sa presidential race sa Mayo.

Suot ang puting T-shirts, nakatatak dito ang katagang, “Honor Thy Foundling” na siyempre, itinulad sa pelikulang Honor Thy Father na disqualified sa Best Pic­ture category sa nakaraang 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF), huh!

Sa isang banda naman, pinalagan ng ka-tandem niyang vice presidentiable na si Senator Chiz Escudero ang reklamo ng nagpetisyon na diskuwalipikas­yon ni Sen. Poe na si dating se­na­dor Kit Tatad ang paggamit ng Supreme Court sa bagong information ad ng senadora. Inihalintulad kasi sa bagong TV ad ang sitwasyon ngayon ni Sen. Grace sa kinasangkutan ng ama na si Fernando Poe, Jr. na hinarang din ang paglaban sa pagka-Pangulo pero kinatigan sa bandang huli ng Mataas na Hukuman.

Inabangan ang pagpunta ni Sen. Poe sa bigayan ng oral arguments kahapon. Handa siyang sumalang kung sakaling hihingin ang panig niya. Eh sa unang pahayag niya, feeling positive siya sa kaso niya, huh! Kasamang dumating ni Poe si Sen. Chiz sa SC.

But one thing nice kay Sen. Poe, kahit dumaraan sa butas ng karayom ang kandidatura, sinisiguro niyang may panahon pa rin siya sa mga anak na sina Brian, Hanna, at Anika. Nais kasi niyang tularan ang mga magulang na kahit abala noon sa pagi­ging Movie King and Queen eh, priority pa rin ang pamilya.

Gaya last Sunday, ibinahagi ni Senator Grace ang picture nila ng anak na si Anika na tinuturuan ng homework. “As a parent, I always believe that no matter how busy our schedules are, we must always spend quality time with our children. Have a lovely weekend everyone,” caption ni Grace sa nasabing picture.

Maging ang VP bet ng senadora na si Sen. Chiz ay may oras din sa asawa’t kambal na sina Quino at Chesi. “Sunday with my family,” sey naman ni Heart Evangelista sa kanyang groufie.

Pacman mas inuna ang pag-eensayo, kampante sa pagse-senador!

Kampante na yata si Manny Pacquiao na lulusot sa pagtakbo bilang senador sa Mayo kaya naman mas inuna niya ang pag-eensayo sa Amerika kaugnay ng huling laban niya bago magretiro.

Eh sa latest survey, pasok sa Top 12 si Pacquiao sa senatoriables. Eh sa Feb­ruary na ang simula ng national campaign para sa tatakbo sa national position. So bago pa man magsimula ang kampanyahan, fly na si Manny kasama si Jinkee Pacquiao upang paghandaan ang laban.

Kung sabagay, kahit hindi mangampanya, malaking mileage rin ang maku­kuha ni Pacquiao once magsimula na siya ng training. Buong mundo ay tutok sa bawat galaw at pahayag niya na full coverage ng media, huh!

Marian balik sa dating alindog, ready to rumble na uling mag-showbiz

Una munang sasalang si Marian Rivera sa Sunday PinaSaya next month bago simulan ang drama series niya sa GMA.

Balik sa dating alindog ngayon si Yan Yan. Sabi nga ng iba, parang hindi niya inilabas si Baby Zia, huh!

Inaasikaso munang lahat ng GMA Primetime Queen ang kapakanan ng anak bago siya tuluyang sumabak sa trabaho. Once okey na ang lahat sa kaila­ngan ni Baby Zia, ready to rumble muli siya sa career.

‘Yun nga lang, may limitasyon na rin pagdating sa oras ng trabaho ni Yan Yan. May anak siyang dapat bigyan ng mas mahabang oras ngayon.

Bago sumabak nang todo-todo, may waiting na isang endorsement si Marian na isang institusyon pero quiet muna siya sa detalye.

ACIRC ANG ANIKA BABY ZIA BEST PIC CHIZ FERNANDO POE NIYA SHY SUPREME COURT YAN YAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with