Valeen Montenegro, pinagbibintangang third party Ciara at asawa hiwalay na!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 15, 2016 - 9:00am

Mahirap paniwalaan ang tsismis na si Valeen Montenegro ang dahilan ng paghihiwalay ni Ciara Sotto at ng mister nito, ang television executive na si Jojo Oconer pero hindi matsugi-tsugi ang balita.

Kung kailan gumaganda ang showbiz career ni Valeen, saka naman siya nasangkot sa eskandalo na pinagpipistahan ng mga mahihilig sa intriga at kontrobersya.

Confirmed na hiwalay na ang Oconer couple dahil naglabas na ng statement si Ciara na nagbalik-bahay na ito sa tahanan ng kanyang mga magulang na sina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa. Kasama ni Ciara ang 11-month old son nila ni Jojo na si Vin­cezo Xose.

Para maglabas ng statement si Ciara, isa lang ang kahulugan nito, hindi na magbabago ang desisyon niya na iwanan ang kanyang asawa.

Ang irespeto ng publiko ang kanyang privacy ang hiling ni Ciara na nagpasya na huwag munang magsalita tungkol sa tunay na dahilan ng pagwawakas ng relasyon nila ni Jojo pero nagpasalamat siya sa lahat ng mga nagpapadala ng encouraging messages.

Shocking ang balita na si Valeen ang third party sa Ciara-Jojo split up. Ang akala kasi ng lahat, ang comedian na si Jerald Napoles ang masugid na manliligaw ni Valeen.

Magkasama ang da­lawa sa Sunday PinaSaya at sila ang madalas na tinutukso sa isa’t isa. Tiyak na marami ang mag-aabang bukas sa Sunday PinaSaya dahil baka magsalita si Valeen tungkol sa eskandalo na kinasasangkutan niya.

Mainstay si Valeen ng Sunday PinaSaya at magkasama sila ni Ciara sa Princess In The Palace na parehong mga programa ng APT Entertainment. Executive si Jojo ng APT Entertainment.

Papa Joey at pamilya, nag-enjoy sa Iceland

Bumalik na si Joey de Leon sa Pilipinas mula sa matagal na family holiday sa Iceland.

Nag-taping na kami ni Papa Joey para sa CelebriTV noong Huwebes pero hindi pa pumuputok noon ang balita tungkol sa paghihiwalay nina Ciara at Jojo or else, napag-usapan na namin ang isyu.

Isa lang ang paulit-ulit na kuwento ni Joey, ang enjoy na enjoy sila ng kanyang asawa at mga anak sa matagal na pagbabakas­yon nila sa Iceland.

Nora nawalan ng tagabigay ng datung

Bukas idaraos ang pasiyam para kay Kuya Germs na sumakabilang-buhay noong January 8 at inilibing sa Loyola Memorial Park sa Marikina City noong Huwebes.

Idaraos ang pasiyam sa bahay ng mga Vera Perez sa Sampaguita Gardens, ang second home ni Kuya Germs. Napanood pala sa buong mundo ang madamdamin na paghahatid kay Kuya Germs sa huling hantungan dahil sa live streaming.

Marami ang nakiluha sa naulilang pamilya ni Kuya Germs, lalo na sa kanyang anak na si Federico na iyak nang iyak.

Nagsalita rin si Nora Aunor na naging emosyonal din sa pagpanaw ng kanyang tatay-tatayan sa showbiz. Ikinuwento ni Nora na inabutan pa siya ni Kuya Germs ng datung nang magkita sila.

Ibang klase talaga si Kuya Germs dahil ito na nga ang may sakit at gumagamit ng wheelchair pero siya pa ang tumutulong kay Nora na mas malakas sa kanya.

Nag-iisa lang talaga si Kuya Germs na sobra-sobra ang ipinakita at ipinaramdam na pagmamahal kay Nora.

ACIRC ALIGN ANG CIARA JOJO KUYA GERMS LEFT NORA QUOT STRONG VALEEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with