^

Pang Movies

Alden haggard pa rin ang hitsura kahit nakapahinga na!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakabalik na kahapon si Alden Richards sa Eat Bulaga.

Iba’t iba ang reaksyon ng fans sa palaging pag-absent ni Alden sa show na nagpasikat sa kanya.

May nagsasabing dapat alam ni Alden at ng kanyang management group, ang GMA Artist Center, kung ano ang priority at dapat na ma­ging priority niya. Hindi dapat na madalas uma-absent sa Eat Bulaga si Alden. Nasa-sad ang fans ng loveteam nila ni Maine Mendoza kapag absent sa noontime show si Alden.

Samantala, may reaksyon din ang ibang fans na dapat magpahinga rin si Alden dahil parang haggard ang looks niya kahapon.

Sana raw ay bawas-bawasan ng management group ni Alden ang schedules ng binata dahil mas importante pa rin na makatulog ito.

Tandaan, health is wealth!

Annabelle at Ruffa takot buntutan ng kaluluwa

Naniniwala si Annabelle Rama na kailangang “magpagpag” muna ang mga galing sa lamay.

Kahapon ng madaling araw, naghanap pa ng coffee shop na bukas si Bisaya at ang anak na si Ruffa Gutierrez dahil nanggaling pa sila sa burol ni German Moreno.

Kahit parehong inaantok na, “nagpagpag” pa rin ang mag-ina.

Nakasanayan na ng mga Pinoy na kapag nanggagaling sa burol ay dumadaan muna kung saan bago umuwi ng bahay para “mailigaw” raw ang mga kaluluwang maaaring “sumama” sa kanila.

Pops naghahanap ng mga machong papa!

May pre-Valentine show na ipinoprodyus si Pops Fernandez. Pero hindi kasama sa show na ‘yon si Pops. Musical show pa rin ‘yon kung saan isang bagong all-male sexy group ang magsu-show.

Nagpa-audition sina Pops para sa grupong ito.

May kaseksihan ang show na gaganapin sa Solaire Resort and Casino sa February 5.

Enjoy nga pala si Pops sa pagpoprodyus na lang ng mga show at kung minsan naman kung hindi maiwasan na siya mismo ang kasama sa show, nakikipag-co-produce na lang siya.

ACIRC

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ANG

ANNABELLE RAMA

ARTIST CENTER

EAT BULAGA

GERMAN MORENO

MAINE MENDOZA

POPS FERNANDEZ

SHOW

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with