Dahil sa ‘anak’ Aiza at Liza pinaglaruan, binastos at kinutya ng mga lalaki
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 6, 2016 - 9:00am

Kawawa naman si Aiza Seguerra at ang kanyang misis na si Liza Diño dahil pinaglalaruan sila ng mga mhin na bastos at hindi tanggap ang same-sex relationship nila.

Sobrang rude at nakakapanghilakbot ang komento ng mga mhin sa balak nina Aiza at Liza na magkaroon ng biological child.

Pinagtawanan, kinutya at binastos nila ang pagkatao nina Liza at Aiza sa kanilang palitan ng opinyon at reaksyon.

Normal na nasaktan si Aiza sa masasakit na comments na nagpatunay sa sinabi niya sa presscon ng Born To Be A Star na hindi pa tanggap sa Pilipinas ang same-sex relationship. Hindi yata alam ng mga bastos na lalake na digital na ang karma para sa mga tao na mapanghusga.

Patricia Javier at pamilya sa ‘Pinas na talaga maninirahan

For good na pala ang pananatili sa Pilipinas ni Patricia Javier at ng kanyang pamilya. Babalik-balik na lamang sila sa Amerika kapag may mga show na offer kay Patricia.

Magaling na chiropractor ang asawa ni Patricia na si Dr. Rob Walcher na may clinic na sa Sct. Rallos, Quezon City. May mga regular celebrity client si Rob na nagpapatotoo dahil mahusay siya na chiropractor.

Manny naniniwalang asset sa senado si Susan

Haharap ngayon sa entertainment press si Susan Ople na senatorial candidate at anak ni former Senator Blas Ople.

Si Papa Manny Villar ang isa sa mga tumutulong sa senatorial candidacy ni Mama Susan na kilala bilang champion ng OFW.

Naniniwala si Papa Manny na magiging asset sa senado si Mama Susan kapag nahalal ito sa senado dahil sa kanyang integrity.

Marami na ang mga OFW ang natulungan ni Mama Susan nang magkaroon sila ng problema sa kanilang mga employer. Sa tulong ni Papa Manny, ipapakilala ni Mama Susan sa entertainment press ang kanyang sarili at ang mga pagbabago na gagawin niya sa bansa kung sakaling maluklok siya sa puwesto.

Kasal ni MJ dadaluhan ng mga bigating personalidad

Nag-commit na ako kay MJ Marfori na dadalo ako sa church wedding nila ni Oscar Oida sa January 30.

Araw ng Sabado ang kasal nina MJ at Oscar. Hindi naman siguro trapik sa Maynila sa January 30 kaya sinabi ko na magmamartsa ako sa altar ng San Agustin Church bilang isa ako sa mga ninang.

Isa si MJ sa mga pinakamabait na entertainment reporter sa telebisyon at apo lang naman siya ni former First Lady Imelda Marcos.

Dadalo sa kasal nina MJ at Oscar ang Romualdez clan bilang suporta sa bride-to-be.

Ninong sa kasal ang mga uncle ni MJ na sina Senator Bongbong Marcos at Mayor Alfred Romualdez ng Tacloban City.

Very lucky groom si Oscar dahil maganda at mabait ang magiging asawa niya.

AIZA AIZA SEGUERRA ANG BORN TO BE A STAR DR. ROB WALCHER FIRST LADY IMELDA MARCOS LIZA DI MAMA SUSAN MGA PAPA MANNY PATRICIA JAVIER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with