^

Kathryn naungusan na rin ni Janella?!

Vir Gonzales (Pang-masa) - January 5, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Malaking bagay ang pagiging number three ng Haunted Mansion para ma-inspire ang Kapamilya Network na bigyan ng malalaking project si Janella Salvador. Halata ring nauungusan na ni Janella sina Kathryn Bernardo at Julia Barretto na mga da­ting paborito ng Dos.

Hindi naman kasi maintindihan ang pakiyeme nina Kathryn at Daniel Padilla kung may relasyon ba talaga silang dalawa o wala na talagang pag-asa. Ayan tuloy at naungusan na si Kathryn ni Janella.

Mga binata sa showbiz pinag-iingat sa kasalan!

May babala para sa mga bachelor sa showbiz dahil kung hindi pa sila handang mag-asawa, kailangan nilang mag-ingat since leap year ngayon. Desidido ang mga kababaihan na lumagay sa tahimik, or else ay tatanda silang dalaga.

Every four years lang kasi nangyayari ang leap year kaya kailangan kung may boyfriend at type na type talaga ay huwag na itong pakawalan lalo na ‘yung mga nasa edad na.

Kaya naman pala lumagay na sa tahimik sina Solenn Heussaff, Chynna Ortaleza at susunod na rin sina Pauleen Luna at Angel Locsin (‘yan ay kung hindi magbabago ang nababalitang plano nilang pagpapakasal ni Luis Manzano).

Paggawa ng pelikula ni Maria Ozawa sa ‘Pinas inasahan ang pagsemplang

May mga nagtatanong, bakit daw sa rami ng artistang Pilipina ay isang Japanese sexy star pa ang kinuhang kapareha ni Cesar Montano sa movie na Nilalang? Hindi rin naman kasi lahat nakakakilala kay Maria Ozawa na sikat din naman, kaso sa porn industry nga lang. Kaya hindi nga siguro nakakapagtaka na sumemplang ang nasabing pelikula.

Happy Birthday!

Maligayang kaarawan sa mga January born celebrities na sina Liza Soberano, Vhong Navarro, Direk Arlyn dela Cruz, Willie Revillame, Rommel Padilla, Megastar Sharon Cuneta, Ogie Diaz, Mark Anthony Fernandez, and to my son John Henry Gonzales.                          

ANG ANGEL LOCSIN CESAR MONTANO CHYNNA ORTALEZA DANIEL PADILLA DIREK ARLYN HAPPY BIRTHDAY HAUNTED MANSION JANELLA MARIA OZAWA NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with