_pang-masa
^

Cristine at Antoinette totoo ang sampalan!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 5, 2016 - 9:00am

Masaya ang presscon sa first pasabog ng Viva Films, ang trilogy na Lumayo Ka Nga Sa Akin na based sa best-selling novel ni Bob Ong. Maganda ang trailer kung saan ipinakita ang mga eksena na may comedy, action, romance, horror, and drama.

Present ang mga bida ng episode na Bala Sa Bala, Kamao sa Kamao, Satsat Sa Satsat na sina Candy Pangilinan at Benjie Paras, sa direksyon ni Mark Meily.

Wala naman si Quezon City Mayor Herbert Bautista pero nandoon si Diamond Star Maricel Soriano kasama ang dalawang bagets na sina Andrew Muhlach at JM Ibañez na mga anak nila sa episode na Shake, Shaker, Shakest na idinirek ni Andoy Ranay, na kasalukuyan daw nagbabakasyon sa Europe.

Wala rin si Paolo Ballesteros, pero naroon ang little mama na si Cristine Reyes sa episode nilang Asawa ni Marie na idinirek ni Chris Martinez.

Nagkatuwaan nang may isang nagtanong kay Maricel na hiningan siya ng mga dati niyang pelikulang may action, drama, at horror. As usual, biniru-biro siya ni Marya pero pagkatapos ay sinabi nitong nagbibiro lamang siya at huwag daw magagalit sa kanya. Pero nagpasalamat si Maricel dahil maipalalabas na rin ang movie nila at masaya siya dahil ito ang opening salvo ng Viva Films for 2016. Magsisilbi raw itong inspirasyon sa kanya, tulad ng wish din ng marami sa entertainment press na magtuluy-tuloy na si Maricel sa paggawa ng mga pelikula.

Inamin ni Cristine na totoo ang sampalan sa pa­gitan nila ni Antoniette Taus na napanood sa trailer. Thankful din si Cristine na ang last movie niyang ginawa na The Gifted ay idinirek ni Chris Martinez at ngayon sa pagbabalik niya after magsilang sa anak ay si Chris din ang nagdirek. Na-miss din daw niya ang pag-arte dahil matagal-tagal din bago siya nakabalik.

Sa January 13 na ang showing ng movie in cine­mas nationwide kaya suportahan daw sana sila at sumaya, matakot at magdrama ang mga manonood.

Alden hindi basta-basta um-exit sa kalyeserye

Hindi basta umalis si Alden Richards kahapon sa kalyeserye ng Eat Bulaga at personal siyang nagpaalam kay Yaya Dub (Maine Mendoza) at sa tatlong lolas, dahil pupunta raw siya ng Dubai at Qatar para mag-show. Paghahanda na raw niya iyon sa future nila ni Yaya. May pumasok mang pangalang ‘Jake’ sa pagitan nila, naniniwala pa rin si Alden na sa pagbabalik niya sa Lunes, ay sila pa rin ni Yaya. Inamin niya kay Yaya na nagseselos siya pero sinabi nito na kaklase at groupmate lamang sa paggawa nila ng report sa school si Jake. Si Yaya naman ang nag-emote na baka siya ang makalimutan ni Alden, pero hindi raw ito mangyayari dahil ilang araw lamang siyang mawawala.

Kaya since 25th weeksary na nila bukas, January 7, in-advance na rin ni Alden ang gifts niya kay Yaya: flo­wers, chocolate cake, at nagdala pa siya ng vendor na nagluluto ng mga paboritong street foods ni Yaya. Masaya naman ang pagsi-celebrate nina Alden at Yaya ng 25th weeksary at sabi ni Vic Sotto, tamang-tamang nasa Dubai si Alden at makakapag-promote ito sa Middle East ng box-office movie nilang My Bebe Love na magsimsimulang ipalabas sa January 14. Alam ni Alden na may block screening din doon sa January 14, na sponsored ng AlDub Maiden.

ACIRC ALDEN ALDEN RICHARDS ANDOY RANAY ANDREW MUHLACH ANG CHRIS MARTINEZ MARICEL NBSP SIYA YAYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with