AlDub dapat na agad bigyan ng kasunod na pelikula!
Iyong pelikula nga ng AlDub ang highest grossing film sa natapos na Metro Manila Film Festival.
Nakakailang na isipin na sa maraming news reports, sinasabi nilang iyon ay “pelikula ng AlDub”, kahit na ang totoo sila ay support lamang ng mga mas beteranong comedians na sina Vic Sotto at AiAi delas Alas.
Hindi namin napanood ang pelikula eh, pero it is definite na sina Vic at AiAi ang gumawa ng comedy at nagpakilig lang ang AlDub, pero mukhang iyon ang dahilan kung bakit pinasok ang pelikula at sinasabing sinira ang all time box office record sa first day ng festival. Pero hindi pa inilalabas ang official gross earnings ng mga pelikula.
Ang sinasabi nilang dahilan para raw fair lang, at hindi naman maging kawawa iyong mga hindi kumita.
Pero kung iisipin mo na involved diyan ang “amusement tax” na dapat sana ay ibibigay na lahat ng MMDA sa mga beneficiaries, dapat malaman ng tao kung magkano ang kinita ng bawat pelikula.
Isang insider ang nagpakita sa amin ng gross reports, pero hindi na lang namin pakikialaman iyon.
Isang bagay lang ang masasabi namin, hindi totoo iyong sinabing mahigit na isang milyon ang lamang ng AlDub movie doon sa second placer.
Mukhang handa na nga silang gumawa ng isang project na hindi kailangan ang mga senior comedians.
Hindi na rin kailangan na igawa sila ng mga “monumental projects”.
Sapat na iyong nakikita lamang sila para kiligin ang audience. Naaalala nga namin iyong mga Nora Aunor at Vilma Santos movies noong panahon nila. Hindi iyon hinahanapan ng quality. Basta makita lang sila sa pelikula, ayos na. Kikita na iyan.
May pelikula na raw inihahanda para sa Valentines naman na stars din ang AlDub. Iyan talaga ang dapat nilang gawin. Kasabihan nga sa wikang ingles “strike while the iron is hot”.
Aktor kinawawa ang naanakan!
Ayaw sana naming mag-blind item dahil kasisimula lang ng bagong taon. Pero unfair naman kung sasabihin namin nang diretso ang istorya na alam naman naming hindi magbibigay ng comment ang mga taong involved.
Hindi rin naman namin matiis na itago na lang ang narinig naming kuwento mula sa isang veteran actress. Kaibigan namin ang veteran actress at ito ang kanyang kuwento.
“Kawawa naman siya. Noong mabuntis na, iniwan siya rito para itago. Mukhang masyadong conscious si “boy” na mapanatiling maganda ang kanyang image sa Pilipinas. Hindi na siya sinipot ulit. Ni hindi na raw siya tinawagan. Hanggang sa nanganak siya, totally abandoned siya. Lalaki pa naman ang naging anak.
Ngayon nagsasalita na siya laban kay “boy”, kasi alam niya na parang napagpalipasan lang pala siya ng oras.
“Hindi niya akalain noong una na iiwan siya nang ganoon na lang. In the first place kaya pala siya nagpabuntis talaga, she was hoping forever na ang relasyon nila.
“She was hoping na hindi man siya mapakasalan, siya ang pakikisamahan. Mukhang na-in love din kasi siya.
“Ngayon, nandito siya pero wala namang trabaho.
May kaibigan siyang pastor na siyang nag-aalaga sa kanya, at sa kanyang anak. “Hindi rin puwedeng habang panahon iyon dahil alam mo naman kung ano lang ang kinikita ng isang pastor,” sabi ng veteran actress.
Kawawa naman iyong girl. Kasi nagpakatanga siya eh.
- Latest