Alden nalamangan ni Maine sa Google
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - December 31, 2015 - 9:00am

Si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub ang most searched female celebrity ayon sa Google Philippines.

Simula noong sumikat si Maine dahil sa kalyeserye ng Eat Bulaga, naging trending topic na siya sa Google Philippines.

Tinalo nga ni Maine ang mga international female celebrities tulad nina MMA Fighter Ronda Rousey at ang transgender reality star na si Caitlyn Jenner.

Ang ka-loveteam naman ni Yaya Dub na si Alden Richards ang second most searched male celebrity ng Google Philippines.

Pumangalawa si Alden kay Pope Francis na naging trending topic noong bumisita ito sa Pilipinas noong January 2015.

Tinalo naman sa ranking ni Alden ang former NBA star na si Lamar Odom na most-searched celebrity worldwide.

Naglalabas annually ang Google Philippines ng kanilang Year in Search list of most-searched topics.

The list featured a diverse selection ranging from politicians to celebrities and even heroes.

Kaka-best actress lang Jennylyn inilantad naman ang katawan para masiyahan ang mga kalalakihan

Pagkatapos manalo ng best actress sa Metro Manila Film Festival para sa pelikulang #WalangForever, nagpakita na naman ng kanyang alindog si Jennylyn Mercado dahil siya ang napiling cover girl ng FHM magazine para sa New Year’s issue nila (January 2016).

Ito ang ikaapat na cover ni Jennylyn for FHM at siya ang tinanghal na FHM Sexiest Woman 2015.

Ayon pa kay Jennylyn ay isang karangalan na maging cover girl ulit siya ng FHM.

Kung matatandaan ay ang FHM ang unang naglagay kay Jennylyn sa cover ilang buwan pagkatapos nitong manganak.

Certified Hot Mama kasi si Jennylyn kaya hindi nagsasawa ang FHM na kunin siya dahil sa maalaga ito sa kanyang katawan at malakas ang dating niya sa male readers.

ALDEN RICHARDS ALIGN ANG CAITLYN JENNER CERTIFIED HOT MAMA GOOGLE PHILIPPINES JENNYLYN LEFT QUOT STRONG YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with