Kris kamukha ni Derek ang ‘nilalandi’ sa Viber
- Vinia Vivar (Pang-masa) - December 30, 2015 - 9:00am

Sino kaya ang tinutukoy ni Kris Aquino na “Viber friend” niya?

Ini-reveal niya sa kanyang Kris TV show aired last Tuesday na may guy siyang nakaka-chat sa Viber ngayon.

“It’s nice to have a Viber mate,” say niya at natatawang dagdag, “ang babaw, ano?”

Natutuwa naman for her ang mga kasama niyang sina K Brosas at Darla Sauler and guests.

“Happy na ako do’n, kasi I’m so busy, eh. Di ba ‘yung Viber lang? Paggising ko, may selfie na siya, ang cute lang,” say pa niya na ikinakilig ni K.

Pinipilit siya ng mga kasama na ipakita oncam ang picture ng friend niya pero tumanggi siya talaga kaya pumayag na lang ang mga ito na sila lang ang makakita.

“He’s a private person,” she said.

Nang makita naman ng mga kasama niya ang picture, lahat sila’y nagsabing cute ang guy.

May nag-comment na “Kaya pala si Derek (Ramsay). Now, I understand” na sinagot naman ni Kris ng “oo, ‘yung ang type.”

So, we guess, kamukha ni Derek ang guy?

Pinabasa rin niya ang message ng guy sa mga kasama at kinilig din ang mga ito.

“Happy na ako do’n,” say ni Kris.

Say pa niya, “o, di ba ang saya na nu’n? ‘Yun lang ang gusto ko, a Viber friend. Eh abroad nagtatrabaho.”

Nakakaintriga naman kung sino ang guy, huh!

Heart punong-abala na bihisan ang mag-aama

Matapos ang Pasko ay lumipad kaagad papuntang Japan sina Heart Evangelista at husband na si Sen. Chiz Escudero kasama ang twins ng senador na sina Chesi at Quino.

Happy ang buong family sa kanilang vacation kung saan binisita nila ang iba’t ibang sikat na tourism spots sa Japan.

Kakagaling lamang ng couple sa Japan noong Holy Week, pero mukha talagang na-enjoy ng dalawa ang Land of the Rising Sun dahil isinama pa nila ang kambal sa kanilang holiday getaway.

Updated naman ang mga fans ni Heart dahil panay ang upload nito sa kanyang Instagram account ng photos mula sa kanilang bakasyon.

Sa isang post ni Heart, makikita itong super enjoy sa pamamasyal kasama ang kambal sa isang street sa Japan.

Nagpunta rin ang pamilya sa Shibuya Station kung saan makikita ang statue ni Hachiko, ang popular na aso na nakikilala dahil sa loyalty nito sa amo na matapos mamatay, ay patuloy pa ring hinihintay ni Hachiko sa labas ng train station.

Heart is a dog lover kaya naman hindi nakapagtataka na isa ito sa mga unang pinuntahan nila.

Bukod pa sa kanilang family pictures, ay mukhang kinareer din ni Heart ang pagiging stylist sa kanyang mag-aama dahil talaga namang very fashionable ang pamilya sa pag-iikot sa Japan at nag-post pa ng kanila family “outfit of the day” o OOTD.

Nag-post rin ang aktres ng isang candid photo ng pamilya mula sa Mt. Fuji.

Mukhang sinamantala na rin nga ng leading vice-presidential aspirant na si Senator Chiz ang bakasyon bago ito sumabak sa kampanya next year for the May 2016 elections.

Coco makikipagputukan sa pagpasok ng 2016

Maaksyong bagong taon ang parating kay Cardo (Coco Martin) sa pagtugis niya sa mas lumalaking sindikato ni Demetrio (Ronaldo Valdez) sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Pagkatapos mahuli ni Isabel (Maricar Reyes), ngayon naman ang grupo nina Raymond (Joem Bascon), Brad (Polo Ravales), at Jenna (Hanna Ledesma) ang magpa­patuloy ng modus ng kanilang grupo.

Sasamantalahin nila ang pagkakataon na pagnakawan ang isang bahay habang wala ang may-ari nito.

Mapagtagumpayan kaya nila ang kanilang modus o mahuhuli sila ni Cardo bago pa nila maisagawa ang kanilang mga plano?

ACIRC ANG ANG PROBINSYANO CHIZ ESCUDERO COCO MARTIN DARLA SAULER DEREK HACHIKO MGA NIYA VIBER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with