Lagot ka Tom! James ayaw pakawalan si Megan
(Pang-masa) - December 21, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Inimbitahan ni Cruzita (Ashley Cabrera) si Sergio (Tom Rodriguez) sa birthday party niya at pumayag naman si Bella (Megan Young). Sinabi ni Sergio na liligawan niya ulit si Bella at pag-alis ni Sergio ay dumating naman si Rodolfo (James Blanco) na may dalang bulaklak para kay Bella.

Hindi tinaggap ni Bella ang bulaklak. Sinabi ni Rodolfo na nakipaghiwalay na siya kay Cappuccina (Solenn Heussaff) dahil na-realize niyang si Bella talaga ang mahal niya. Pinaalis ni Bella si Rodolfo dahil wala siyang pagtingin sa binata at ayaw niyang magkasira sila ni Cappuccina; kinabukasan ay nakipagkita nga si Bella kay Cappuccina para magkaayos sila.

Napaamin si Bella kay Cappuccina na kahit paano ay natatakot pa rin siyang mahulog muli kay Sergio dahil alam niya sa sarili niya na may nararamdaman pa rin siya sa dating asawa.

Sa birthday party ni Cruzita, naiyak pa si Bella nang dumating si Sergio para tuparin ang pangako nito sa anak nila.

Nagkita sina Cappuccina at Rodolfo sa isang restaurant kung saan madalas maglasing si Rodolfo lately dahil kay Bella; Cappuccina tells him na tinanggap na ulit ni Bella si Sergio sa buhay niya at nang makaalis na si Cappuccina, Rodolfo reminds himself na lahat ng gusto niya ay nakukuha niya.

Balik sa birthday party, nang hihipan na ni Cruzita ang candle sa birthday cake niya ay sinabi niyang ang wish niya ay magkabalikan ang Daddy at Mommy niya; paglalapitin pa ni Cruzita ang mga kamay ng parents niya hanggang sa mag-holding hands sila at magkakatitigan sina Bella at Sergio.

Samantala, galit na galit si Angelika (Jaclyn Jose) kay Marimar/Bella dahil kailangan niyang magbenta ng designer bag para magkapera; makikita niya ang magazine kung saan cover si Bella at lalo siyang maaawa sa sarili kaya pagdating nina Antonia (Lauren Young) at Nicandro (Dion Ignacio) ay sasabihin niya sa lalaki na gusto niyang mamatay si Bella.

Balik sa birthday party, masaya ang celebration; sa newspaper dance ay kamuntikang magkahalikan sina Sergio at Bella.

Tuwang-tuwa si Cruzita sa tinuturing niyang grandest birthday party niya dahil kasama niya ang Daddy niya at marami itong gifts sa kanya.

Hindi natuloy ang halik pero nanalo sina Sergio at Bella sa newspaper dance. After the party, nang magpapaalam na si Sergio ay humiling si Cruzita na makita niya ulit kinabukasan ang Daddy niya at pumayag naman si Bella, mapapayakap si Sergio kay Bella at hahalikan ito sa pisngi (beso) kaya gulat si Bella.

Pinaamin ni Corazon (Jaya) si Bella na nanunumbalik na ang dating pagmamahal nito para kay Sergio pero lito si Bella at hindi alam kung maibabalik pa nga sa dati ang lahat.

Renato (Ricardo Cepeda) encourages Sergio na ipaglaban ang pagmamahal kay Marimar at sa anak nila.

Happy si Cruzita na pumayag si Bella na sumama sa zoo para sa family bonding nila.

Nag-enjoy sila, lalo na si Cruzita, sa family bonding nila. Humiling si Sergio na makipag-date sa kaniya si Bella pagkatapos at kahit ayaw ni Bella ay napilit siya nina Sergio at Cruzita na pumayag. Dinala nga ni Sergio si Bella sa pool club kung saan ang set-up ay parang nasa Isla sila.

Manunumbalik kay Bella ang memories nila ni Sergio sa Isla. Matatauhan si Bella na gustong ibalik ni Sergio ang dating Marimar noon kaya uuwi na lang sana siya pero makikiusap si Sergio na bigyan siya muli ng pagkakataong mahalin siya at mabuo ang kanilang pamilya. Maluluha si Sergio at pati na rin si Bella, magkakatitigan at mauuwi sa halikan. Pumayag na nga si Bella to give Sergio another chance kaya tuwang-tuwa si Sergio and they kissed again passionately.

ANG ASHLEY CABRERA BALIK BELLA CAPPUCCINA CRUZITA KAY MARIMAR NIYA RODOLFO SERGIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with