Nauna pa kasing malasing model turned celeb, hindi nagtagumpay sa misyong tikman ang sexy actor
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - December 19, 2015 - 9:00am

Iba nga raw ang naging experience ng isang sexy actor sa piling ng isang model-turned-celebrity.

Nagulat nga si sexy actor na bigla na lang siyang niyayakap ni model at ayaw siyang bitawan nito. Maayos naman na humihiwalay si sexy actor sa model dahil bukod sa asiwa siya sa inaasal ng model, amoy alak pa raw ito kaya takot si sexy actor na kung ano ang gawin nito sa kanya.

Inimbitahan kasi ni model si sexy actor sa isang event na kaibigan niya ang sponsor. Matagal na nga raw target ni model ang sexy actor pero hindi siya makatiyempo rito.

Inis na inis nga si model nang malaman niyang nakarelasyon ni sexy actor ang isang tweetum actress.

Kaya sa sobrang sama ng loob niya, nagawa naman niyang sagutin ang isang drama actor na hindi naman niya type talaga.

Noong malaman niyang naghiwalay na sila sexy actor at tweetum actress, nakahanap ng butas si model para mapasakanya na si sexy actor.

Bigla na lang siyang nakipag­hiwalay sa drama actor na wala namang dahilan. Sinabi na lang niya rito na marami silang hindi napagkakasunduan. Pero ang totoo ay panay na ang paramdam niya sa sexy actor.

Matagal nang kilala ni sexy actor si model pero kaibigan lang talaga ang turing niya rito dahil hindi nga ito ang tipo niyang babae.

Kaya sa naturang event nga, plano ni model ay malasing niya si sexy actor at ite-take home niya. Para naman matupad ang kanyang matagal nang maitim na balak na matikman ang sexy actor.

Pero baligtad nga ang nangyari at pumalpak ang kanyang plano.

“Paano naman, mas nauna pa siyang nalasing kesa kay sexy actor,” sey ng aming source na na-witness ang kalukahan ni model sa naturang event.

“Lahat nang ialok na alak sa kanya, tinutungga niya. Hindi niya alam na si sexy actor ay hindi pa­lainom. Ayun noong dumikit na si model kay sexy actor, puwede ka nang magsindi ng lighter sa hininga niya at bubuga ito ng apoy sa sobrang kalasingan nito.

“Natural lang na ma-turn off si sexy actor sa kanya kaya lumalayo ito rito. Ayun sa kakaatungal ni model dahil nilayasan siya ni sexy actor, nasuka siya!

“As in, sa harap ng maraming bisita ay nagsuka siya! Ang cheap!

“Kaya all the more na na-turn off ang sexy actor sa model kasi nga hindi pala nito makontrol ang kanyang paglalasing.”

Pia paborito sa Miss U?!

Kasama sa mga paboritong candidates ni Miss Universe 2010 Ximena Navarette ang ating Philippine representative na si Pia Alonzo-Wurtzbach.

Nag-tweet noong nakaraang December 17 si Ximena ng kanyang top 12 candidates at nauna nga sa kanyang listahan ay si Miss Philippines.

Kabilang din sa kanyang napili ay ang mga representatives from Colombia, Dominican Republic, Vietnam, Peru, Chile, Brazil, USA, Venezuela, Australia and Mexico.

Naganap ang preliminary competition noong nakaraang December 16 sa The AXIS in Las Vegas, Nevada.

Positive ang mga feedback sa ating Miss Philippines at marami ang umaasa na makakalaban si Pia sa mismong pageant night on December 20 (US time).

Nagbigay naman ng suporta ang mga former Miss Philippines na sina Janine Tugonon (1st runner up, Miss Universe 2012); Ariella Arida (3rd runner-up, Miss Universe 2013) at Mary Jean Lastimosa (top 15 finalists, Miss Universe 2014).

Caitlyn Jenner itinanghal na Most Fascinating

Si Caitlyn Jenner ang itinanghal na Most Fascinating Person of 2015.

Ayon sa award-winning broadcast journalist na si Barbara Walters, may siyam pang pinagpiliian pero unanimous si Caitlyn.

“And, finally, our choice for the Most Fascinating Person of the Year was once called the World’s Greatest Athlete.

“Traditionally, that title was given to the man who won the Olympic Decathlon. When Bruce Jenner won it in 1976, it was a huge accomplishment. It had everybody talking, but it was nothing like this.

“When Bruce Jenner became Caitlyn Jenner, there was a seismic shift in the gender universe.

“If you were unable to take your eyes off of Caitlyn Jenner this year, you weren’t alone. ... Famous and familiar, she raised awareness and acceptance of transgender people.

“Through her own transformation, Caitlyn Jenner transformed society this year and that, for us, makes her the Most Fascinating Person of 2015.”

Ang iba pang featured sa Barbara Walters Presents: The 10 Most Fascinating People of 2015 ay sina Bradley CooperAmy SchumerTracy MorganRonda RouseyDonald TrumpBernie Sanders, Misty Copeland, Jeff Bezos and Donna Karan.

ACIRC ACTOR ANG CAITLYN JENNER MISS PHILIPPINES MISS UNIVERSE MODEL NBSP NIYA QUOT SEXY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with