Produ ng MMFF movies, habit na ang mangarag
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pang-masa) - December 7, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - As usual, kung kailan papalapit ang deadline ng Metro Manila Film Festival (MMFF) saka naman aligaga ang mga producer na tapusin ang mga pelikula nilang kasali.

So far, iisang pelikula pa lang daw ang tapos na tapos na, ang Honor Thy Father starring John Lloyd Cruz na kung tutuusin ay matagal nang tapos dahil sumali na ito sa ilang international filmfest.

Eh ang pito pang kasali na kung tutuusin ay noon pa nila alam na kasali sila, hindi pa rin tapos mag-shooting at editing o special effects.

Kaya kahit daw sa review ng Cinema Evaluation Board, sabay-sabay din daw.

Kung sabagay habit na ata ‘yan ng mga local producer natin. Parang gusto talaga nila ang natataranta pag malapit na ang Pasko.

Hurado ng isang reality show, give up na!

True kaya na ayaw nang maging part ng isang reality show ang isang dating judge nito?

Nadismaya raw ang nasabing hurado kaya gusto na nitong mamahinga.

Kung noon daw ay passionate ito sa ginagawa, bigla raw itong nawalan ng gana.

Ayaw magbigay ng rason ng isang nagkuwento na mismong taga-show pero obvious daw at hindi na kailangang i-memorize.

Letizia, ang lakas sa social media

Grabe ang likers ni Baby Letizia nina Dingdong Dantes and Marian Rivera.

Sa post ko sa Instagram account ko (salve v. asis), mas marami pa ang nag-like kesa sa number of followers ko. Hahaha. Sobra, talagang ang lakas sa fans ha.

Almost three days ko na siyang na-post pero non stop ang likes ha.

Actually, nakakabilib ang fans ni Marian. Ang sisipag nilang mag-like.

Wala pang bagong photo si Maria Letizia na pino-post nina Marian at Dingdong kaya naman paulit-ulit na lang sigurong  tinitingnan ng fans ang naunang dalawang litrato ng sanggol ng mag-asawa na isang taon nang kasal sa December 30.

ANG AYAW BABY LETIZIA CINEMA EVALUATION BOARD DINGDONG DANTES AND MARIAN RIVERA GRABE HAHAHA HONOR THY FATHER JOHN LLOYD CRUZ MARIA LETIZIA METRO MANILA FILM FESTIVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with