Bagong phenomenal ipinanganak na Baby Letizia nina Dongyan trending na trending agad!

MANILA, Philippines – Pormal nang ipinakita sa publiko ng Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang cute pictures ng kanilang pa­nganay na si Baby Maria Letizia kahapon.

Halos sabay pang nag-upload sa kani-kanilang Instagram accounts ang mag-asawa with matching heart warming messages.

Heto ang post ni Ma­rian:

“41 weeks akong naghintay, 18 hrs na nag-labor. Sa mga oras na iyon, hindi ko i­naasahang makakaya ko ang lahat. Pero dahil andiyan ka sa tabi ko, sa iyo ako kumuha ng lakas. Salamat Mahal ko.@dongdantes
At sa araw nga na iyon ng Nov 23, tuluyan na talaga tayong naging kumpleto; kasama ng Panginoon, ikaw, ako, at siya- si Maria Letizia. Ngayon, masasabi ko na tayo’y isa nang ganap na pamilya, at ako’y isa nang ganap na ina. Napakasarap ng biyayang ito. #MariaLetizia

Oh, ‘di ba? Damang-dama na talaga ni Kapuso Primetime Queen ang pagiging ina.

Siyempre ay hindi naman patatalo ang mister niyang si Dingdong na nag-post din ng picture na may caption na:

“I may have a thousand photos of you already, but this one taken 8 days ago is definitely in my top 10. #Maria­Letizia

Wala pa ngang isang oras ay halos bumaha na ang Facebook, Twitter at IG ng picture ni Baby Zia, eh paano, ang tagal kasing inantay ng DongYan fans at maging ng showbiz press ang hitsura ni Baby Zia.

Kaya grabe ang tuwa nila nang finally ay nasilayan na nila ang hitsura ng little angel nina Dingdong at Marian na trending din agad nationwide.

Naku, hindi kaya matawag na phenomenal baby ang anak nina Dingdong at Marian sa sobrang kasikatan?                            

                                                                    

Show comments