Ruffa at Pokwang, tawang-tawa sa isa’t isa ‘pag magkasama
Jun Lalin (Pang-masa) - December 2, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Isa si Ruffa Gutierrez sa mga showbiz celebrity na kahit gaano ka-busy ay nagtitiyaga pa rin na mag-wrap ng Christmas gifts.

Bukod sa pagra-wrap ng Christmas gifts, si Ruffa rin ang personal na namimili ng kanyang mga ipinangreregalo.

Kadalasan, umo-order online si Ruffa

Noong nasa Los Angeles, California ako, nakiusap pa sa akin si Ruffa na mamili ng Christmas cards dahil gusto niya na bawat Christmas gift na ibinibigay niya ay nilalakipan niya ng magandang Christmas card na may personal niyang message.

Sa Sunday nga pala ay may reunion si Ruffa at ang The Mummy Returns co-star niyang si Pokwang.

Silang dalawa ang bida sa pre-Christmas episode ng Wansapanataym.

Kuwento ni Ruffa, sobrang saya sa set dahil sila nga ni Pokwang ang magkasama.

Lovi todo rampa sa Italy, Rocco binura na sa eksena

Umiikot ngayon sa Italy si Lovi Poe kasama ang inang si Rowena Milan at ang isa niyang tita.

Enjoy si Lovi sa bakasyon nilang tatlo.

Sabi ni Lovi, gusto niyang mapasaya ang kanyang ina at tita sa bakasyon nilang ‘yon.

Dapat ay sa Paris, France ang punta nilang tatlo noong una, pero dahil sa terrorist attack ay nagdesisyon si Lovi na sa Italy na lang sila magpunta.

May ibang fans na nag-aakalang kaya nagbakasyon si Lovi ay para maiwasan ang issue na hiwalayan nila ni Rocco Nacino.

Although dedma nga si Lovi sa issue na ‘yon, wala namang katotohanan na sinadya niyang magbakasyon para hindi masagot ang mga issue sa kanila ni Rocco.

Hindi pa man natsitsikang hiwalay na sila ni Rocco ay nakaplano na ang bakasyon ni Lovi kasama ang ina at auntie.

Nauna lang si Maine Alden isasahog din daw sa serye ni Aling Maliit

Kasalukuyang guest sa Princess in the Palace ni Ryzza Mae Dizon si Maine Mendoza aka Yaya Dub.

Chef ang role ni Maine sa nasabing morning series.

Ang tsika ng fans, magge-guest din daw si Alden Richards sa nasabing series at chef din daw ang magiging role ng binata.

 

ALDEN RICHARDS ALING MALIIT ANG LOS ANGELES LOVI LOVI POE MAINE ALDEN MAINE MENDOZA MUMMY RETURNS ROCCO RUFFA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with