Alden at Maine inaabangan kung sisipot sa concert ni Bryan White
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - November 30, 2015 - 9:00am

Sobrang nag-enjoy sa kanyang unang pagbisita sa Pilipinas ang American singer na si Bryan White.

Si Bryan White ang umawit ng pamosong theme song ng AlDub loveteam na God Gave Me You.

Sumikat ang kantang ito noong 1999 at muli itong sumikat sa pag-dubsmash nila ni Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Unang nag-guest si Bryan sa Eat Bulaga noong Sabado at sumunod sa Sunday PinaSaya kung saan isinali siya sa kantaserye.

Naaliw nga si Bryan sa Paskuhan Village sa naturang programa.

“I love it. Great job, it’s amazing. It looks exactly like a winter wonderland except there’s no snow,” ngiti pa ni Bryan.

Nagkaroon ng one-on-one si Alden with Bryan at nagpasalamat nga ang Pambansang Bae dahil sa magandang meaning ng awitin na iyon para sa kanila ni Yaya Dub.

“First of all, I just want to say thank you for the support of God Gave Me You. It means a lot to me, too,” sey ni Bryan kay Alden.

Sagot naman ni Alden: “We owe it to the AlDub Nation.”

Patuloy ang pasasalamat ni Bryan White sa kanyang Instagram post dahil sa magandang pagtanggap sa kanya.

“Really enjoyed being a part of @gmasundaypinasaya today. Thanks @aldenrichards02 and everybody for making me feel at home. Really fun!”

Ngayong Martes, December 1 magaganap ang concert ni Bryan White sa Smart Araneta Coliseum at personal niyang inimbitahan sina Alden at Maine para mag-date sa kanyang concert.

Polo malaki ang pasasalamat kina Carlo J at Donna

May isang taon na palang wala si Polo Ravales sa bakuran ng GMA 7 simula noong mag-expire ang kanyang kontrata.

Huling naging teleserye ni Polo sa Kapuso network ay ang Ilustrado kung saan naging kontrabida siya kay Alden Richards na gumanap bilang si Dr. Jose Rizal.

Dapat ay may gagawing teleserye sa ABS-CBN 2 si Polo, pero dahil sa naging operasyon niya sa kanyang spinal cord, nagpahinga na muna ito at nagpapa-therapy.

“Nakaka-miss na ang umarte. Ang tagal ko na palang walang teleserye. More than a year na.

“Dahil nga sa naging operasyon ko, lahat ng mga dapat na gawin kong trabaho sa TV ay natigil muna. Kailangan unahin ko muna ang kalusugan ko.

“I’m still having therapy at maingat ako sa mga kilos ko. Nakakapag-gym na ako ulit pero hindi na kasing intense tulad noon.”

Kasama si Polo sa pelikulang Angela Markado at isa siya sa rapists ni Andi Eigenmann.

“Nagpapasalamat ako kina Direk Carlo Caparas at Tita Donna Villa sa pagkuha nila sa akin. Matagal din akong nabakante sa pag-arte at magandang project ang inalok nila.”

Anne Hathaway nagpakita na ng baby bump!

Ipinagmalaki na ng Oscar winner na si Anne Hathaway ang kanyang baby bump.

Kinumpirma ni Anne na nasa second trimester na siya ng pagbubuntis sa unang baby nila ng kanyang mister na si Adam Shulman.

Kitang-kita ang maliit na baby bump ni Anne sa suot niyang blue blouse under her denim jacket. Nakita ang mag-asawa na kumakain sa isang restaurant sa Los Angeles.

Binalikan ang naging interview ni Anne sa Vogue noong 2013 at nagkuwento nga ito sa pagkakaroon ng sariling pamilya.

“Oh, my God! I want to be a mother, and I anticipate loving my children quite fiercely.

“I think about it all the time, though it’s a silly thing to think about because the kind of mother I’ll be depends on the kind of children I have. I can’t wait to meet them.”

 

ACIRC ADAM SHULMAN ALDEN RICHARDS ANDI EIGENMANN ANG ANNE HATHAWAY BRYAN BRYAN WHITE EAT BULAGA GOD GAVE ME YOU YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with