Fil-Aussie wagi na naman sa X-Factor Australia
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - November 25, 2015 - 9:00am

Ang Fil-Aussie na si Cyrus Villanueva ang nagwagi bilang grand champion ng The X-Factor Australia.

Taga-New South Wales ang 19-year old student na namana ang pagiging isang singer mula sa kanyang amang musician.

Tinalo nga ni Cyrus ang mahigpit niyang kalaban na si Louie Adams.

Naging favorite si Cyrus ng naturang contest at never siyang napunta sa Bottom Two.

Ito ang ikalawang taon na isang Pinoy-Australian ang na­nalo sa The X-Factor Australia.

Last year ay ang 15-year old Pinay-Aussie na si Marlisa Punzalan ang nanalo.

Sa pagiging champion ni Cyrus, kabilang sa kanyang mga premyo ang isang recording contract with Sony Music Australia.

Lady Gaga at J.Lo inirampa ang gown na gawa ng Pinoy designer na si Michael Cinco

Ang kilalang Dubai-based Filipino designer na si Michael Cinco ay tuwang-tuwa dahil sinuot ng pop icon na si Lady Gaga ang isa sa kanyang creations sa U.S. TV series na American Horror Story: Hotel.

Nag-post si Cinco ng photo sa kanyang Instagram account na suot ni Lady Gaga ang isang crystallized couture gown.

Heto ang kanyang caption:

“LADY GAGA wears a crystallized MICHAEL CINCO couture gown in tonight’s episode of American Horror Story Hotel...

Nitong nakaraang American Music Awards ay suot din ni Jennifer Lopez ang isang creation ni Cinco.

Na-feature na ang mga creations ni Cinco sa programang America’s Next Top Model ni Tyra Banks.

Si Cinco rin ang gumawa ng wedding gown ni Marian Rivera.

Felix Roco naging maingat sa panggagahasa

Ayaw magbigay ng detalye si Felix Roco tungkol sa pag-aayos nila ng kanyang amang si Bembol Roco.

Ayon kasi sa award-winning veteran actor, nagkaayos na sila ng kanyang kambal na anak na sina Felix at Dominic Roco.

Hangad ni Bembol na mabalik ang pagiging close nilang mag-ama ulit ngayon at nagkakausap na sila ulit.

‘Yun nga lang ay ayaw magsalita ni Felix tungkol sa naging usapan nila ng kanyang ama.

“Pasensya na po, pero ayokong pag-usapan ang tungkol doon.

“It’s a very private and personal thing between me, my brother and my dad.

“Sana po ay naiintindihan ninyo. Never naman akong nagkukuwento tungkol sa mga nangyari,” pakiusap pa ni Felix.

Magkasama nga sila ng kanyang ama sa pelikulang Angela Markado kung saan bida si Andi Eigenmann.

Pero wala raw silang eksena sa pelikula ng kanyang ama.

“We had different scenes kasi. Kaya hindi kami nagkita sa set or nagkasama sa isang scene.

“Most of my scenes kasi are with Andi, Paolo Contis, Polo Ravales, Epi Quizon and CJ Caparas.”

Isa sa mga rapist ni Andi si Felix at naging maingat daw siya sa rape scene.

“Magkakilala naman kami ni Andi at nag-uusap kami before Direk Carlo Caparas shot our scenes.

“Sinasabi ko kay Andi na kailangan maging rough ako sa eksenang ito pero pag-iingatan ko siya.

“Ang maganda kay Andi, she’s very professional. Kahit alam mong nahihirapan siya sa eksena, wala kang maririnig na complaints sa kanya.”

Sa December 2 na palabas ang Angela Markado na produced ng Oro Siete Productions at released ng Viva Films.

ACIRC AMERICAN HORROR STORY ANDI ANG ANGELA MARKADO CINCO FELIX ROCO KANYANG LADY GAGA MICHAEL CINCO X-FACTOR AUSTRALIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with