Dating beauty queen na adik sa retoke, napagkamalang ibang tao ng staff at host ng isang show
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - November 1, 2015 - 9:00am

Hindi nakilala ng isang female TV host ang guest nitong veteran beauty queen dahil sa sobrang pagpaparetoke nito ng mukha.

Nahiya nga ang female TV host dahil nilapitan siya ng beauty queen- pero hindi niya ito namukhaan.

Napanganga lang si female TV host at tinanong kung guest ba siya? Nang magsalita si beauty queen- doon lang siya nakilala ni female TV host.

 “Naku, hi­yang-hiya si female TV host kasi nga hindi niya talaga nakilala.

 “Kahit nga kami, hindi namin nakilala si beauty queen kasi ibang-iba na ang mukha niya. Parang ibang tao na siya,” sey ng aming source.

Masyado raw kasing naging obsess sa pagpaparetoke ang beauty queen kaya hindi niya ito napigilan.

Dahil wala nang pumipigil sa mga kagustuhan niya kaya sinunod niya ang layaw niya sa pagpapaganda sa pamamagitan ng siyensya.

 “Balita namin ay sinimulan niya ‘yan sa mga mata niya. Nang magandahan siya, sinunod na ang ilong, tapos ang lips niya.

 “Tapos nito ngang huli ay nagpa-botox na. Kaya hayun nag-iba ang hitsura niya. Pati nga ang pagsasalita niya ay naiba na rin dahil sa sobrang silicon na nilagay sa mga labi niya.

“Kahit siguro ang mga anak niya hindi na siya makikilala kasi ibang-iba na siya,” sabay tawa pa ng aming source.

Mabuti na lang daw at naka-tape ang show kaya ni-review ng staff ang mga ginamit nilang photos ng beauty queen para sa segment nito.

Talagang ibang-iba na ang mukha nito kumpara noon kaya hindi na nila sinama ang mga old photos nito dahil mahahalata raw ang pagkakaiba ng mukha niya noon sa mukha niya ngayon.

Solenn excited nang sumayaw habang lumilipad

Matagal ding hindi gumawa ng teleserye si Solenn Heussaff kaya na-excite ito bilang bagong cast member ng MariMar.

Gaganap siya bilang si Capuccina Blanchett at magiging magkaibigan sila ni Marimar na ginagampanan ni Megan Young.

 “The last teleserye I did was Ilustrado with Alden Richards.

 “Mas nag-concentrate ako sa show namin ni Iya Villania na Taste Buddies and I finished two indie films.

 “I did one with Dennis Trillo titled Lakbay to Love and another with Rocco Nacino titled Flotsam.

 “When they offered me this role in MariMar, natuwa ako kasi it will showcase me in some sexy dances.

 “I will do aerial dancing in one of my scenes.

 “Basta panoorin na lang nila ang MariMar para makilala ninyo si Capuccina Blanchett at kung ano ang magiging connection ko kay MariMar,” ngiti pa ni Solenn.

Caitlyn Jenner itinanghal na Women of the Year ng Glamour Mag

Kabilang si Caitlyn Jenner sa mga honorees as Glamour Magazine’s Women of the Year.

Kasama nga ni Caitlyn bilang honorees ay sina Reese Witherspoon; Misty Copeland; the five women touched by the South Carolina church massacre and lauded in the aftermath as “The Peacemakers of Charleston’’; Victoria Beckham; billionaire entrepreneur Elizabeth Holmes; Planned Parenthoood’s Cecile Richards and the women’s FIFA soccer Team USA.

Gaganapin ang parangal sa November 9 at Carnegie Hall.

Ang nasa cover ng special issue na ito ay si Reese samantalang nasa foldout covers naman sina Jenner, Copeland, and Holmes.

This year is the 25th anniversary achievements of diverse women in entertainment, fashion, politics, and business.

 “We’re proud of what Caitlyn Jenner has done to illuminate what so many in the transcommunity go through,’’ sey ng editor-in-chief na si Cindi Leive.

 

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG CAITLYN JENNER CAPUCCINA BLANCHETT CARNEGIE HALL HINDI NBSP NIYA SIYA WOMEN OF THE YEAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with