^

Pang Movies

Prod design ng Felix Manalo parang panahon ni Rizal

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa rami ng Iglesiang nanood, talaga namang napuno ang Philippine Arena noong premiere night. Masaya si Dennis Trillo, ngayon lang kasi siya nakatikim ng ganito kalaking crowd para manood ng pelikulang Felix Manalo, maganda ang production design, parang panahon lang ni Dr. Jose Rizal.

Viewers ngayon mas matalino na

Mukhang nagbabago ang trend ng mga tagahanga ngayon. Kumita rin ang Heneral Luna story na pinagbidahan ni John Arcilla. Maraming mga kaganapan na napanood dito na nangyari noong araw tungkol sa ating kalayaan. First choice sa Heneral Luna si John Lloyd Cruz, kaso may hindi pinagkasunduang bagay at sabi ng iba, mas bagay kay John ang istorya.

Bongga ang producer, balita naming may kasunod na agad itong gagawin na bida naman si Paulo Avelino.

Ryzza Mae nakakatawa kahit nagda-drama

Magandang idea, isinama na ng Eat bulaga si Ryzza Mae Dizon kay Maine Mendoza aka Yaya Dub, dahil unti-unti nang nawawala sa isipan ng mga tagahanga si Aling Maliit. Natabunan siya ni Yaya Dub, kahit may sarili na siyang serye titled Princess in the Palace. Dapat kasi kay Ryzza, magpa-slim ng konti dahil kahit nagda-drama, marami ang natatawa. Maalog kasi ang taba niya.                                                         

ALING MALIIT

ANG

DENNIS TRILLO

DR. JOSE RIZAL

FELIX MANALO

HENERAL LUNA

JOHN ARCILLA

JOHN LLOYD CRUZ

MAINE MENDOZA

NBSP

YAYA DUB

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with