^

Pang Movies

Pabalik-balik ang sayad drama actor pinayuhan muna na magbakasyon

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

How true na nawawala na naman daw sa katinuan ang drama actor na ito?

Worried ang mga taong malapit sa drama actor dahil mukhang bumabalik na naman daw ito sa kanyang inimbentong mundo.

Sa kanyang social media accounts, kung anu-ano na naman daw ang mga pinaglalagay na photos at caption na lalong ikinabahala ng mga taong nag-aalaga sa kanyang career.

May nakapagsabi na may kinalaman sa personal at professional stress ang muling pagbalik ng drama actor sa pagkakalat nito.

Sinabihan naman ang drama actor na hindi pa siya masyadong ready para harapin ang mga stress na dala ng kanyang babalikan na mga trabaho. Pero na­ngako ito na aalagaan niya ang kanyang sarili dahil may gusto siyang patunayan sa kanyang sarili.

Kaya heto na nga ang kinakatakot ng mga may concern sa drama actor dahil bumabalik na naman ito sa kanyang dating pagwawala.

Ang magiging kapalit nga nito ay ang mga trabaho na nandiyan na pero mukhang mawawala pa ulit dahil sa kalagayan niya ngayon.

Sinabihan na raw si drama actor na magbakasyon muna ulit dahil sa nangyayari sa kanya ngayon, hindi siya fit mentally na magtrabaho pa.

Concern lang sila sa mga makakatrabaho ni drama actor dahil maaapektuhan din sila sa nangyayari rito.

Usher kumpirmado, ikinasal na uli!

Kumpirmadong kinasal na nga ang RnB artist at The Voice mentor na si Usher Raymond sa kanyang fiancée na si Grace Miguel.

Nakuha nga ng E! mula sa The Fulton County Courts ang record na nagpapatunay na ikinasal na nga ang dalawa nitong buwan lamang.

Nag-post ang bride ni Usher sa kanyang Instagram ng photo na may suot na gold wedding band ang kanyang mister. Kasalukuyang nasa Havana, Cuba ang dalawa para sa kanilang honeymoon.

Noong makabalik na ng Los Angeles si Usher, nakunan naman siya ng paparazzi na suot nga ang gold wedding band.

Last January 2015 pa nag-propose si Usher kay Grace.

Ito ang second marriage ni Usher. Una siyang kinasal kay Tameka Foster kung kanino meron siyang dalawang anak na lalaki.

“They are extremely happy and the way it was done was very sweet and romantic. He can’t wait to spend the rest of his life with her.

“His boys love her as well! She gets along with them great,” ayon pa sa isang source ng E!

vuukle comment

ACTOR

ANG

DRAMA

FULTON COUNTY COURTS

GRACE MIGUEL

KANYANG

LAST JANUARY

LOS ANGELES

MGA

SINABIHAN

TAMEKA FOSTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with