Kaya kinalasan ng BF na anak ng pulitiko... Aktres na produkto ng reality show, nagmukhang matanda sa bagong gawang mukha
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - September 10, 2015 - 10:00am

Malaki ang ipinagbago ng mukha ng aktres na produkto ng isang reality show sa telebisyon.

Ibang-iba na ang itsura ng aktres ngayon kesa noong contestant pa siya ng reality show. Ang pagpaparetoke kaya ng mukha ang dahilan kaya hiniwalayan ang aktres ng kanyang boyfriend na anak ng isang pulitiko?

Buhat nang magpaayos ng mukha ang aktres, nag-mature ang itsura niya , nahihirapan na siya na ngumiti at puwede nang mapagkamalan na tita  ng kanyang bagets-looking boyfriend.

Ryzza susubukang mag-drama

Ipinapakita na ang endorsement nina Joey de Leon at Vic Sotto sa Princess In the Palace, ang teleserye na tatampukan ni Ryzza Mae Dizon.

Dahil sa endorsement nina Bossing at Papa Joey, mali­naw sa akin na pang-umaga ang Princess In the Palace at mapapanood ito sa timeslot ng The Ryzza Mae Show.

Ang sariling teleserye na pagbibidahan ang birthday gift kay Ryzza Mae ng TAPE Inc. noong June 12. Tandang-tanda ko ang pralala ni Ryzza Mae na hindi mawawala ang The Ryzza Mae Show, kahit may gagawin siya na teleserye na magpapamalas sa kanyang abilidad sa drama.

Totoo naman ang sinabi ni Aling Maliit dahil The Ryzza Mae Show Presents Princess In the Palace ang morning teleserye na malapit nang mapanood.

Ang tapings ng Princess In the Palace at ang pagiging regular student niya ang pinagkakaabalahan ni Ryzza Mae kaya bihira siya na mapanood sa Eat Bulaga.

Young actor suportado ang lihim na relasyon ng ina

Apat na taon na ang relasyon ng isang aktres sa kanyang non-showbiz boyfriend pero hindi bulgar ang kanilang love affair dahil discreet sila.

Knows ng sikat na young actor na anak ng aktres ang pakikipagrelasyon ng madir pero dedma siya dahil mahalaga sa kanya ang kaligayahan ng ina.

Saksi ang young actor sa mga pagsisikap ng nanay niya para maiahon sila mula sa kahirapan. Mabuti na lang, sinuwer­te ang young actor sa showbiz kaya katulong na siya ng nanay niya sa pagsisikap para magkaroon sila ng bright future.

Aldub loyalist may kakasuhan sa pang-aatake

May tsismis na ngayon lalabas ang first TV commercial nina Alden Richard at Maine Mendoza para sa isang fastfood chain.

Bukod sa sandaling pagtatagpo nila noong nakaraang Sabado sa backstage ng Eat Bulaga, hindi pa nagkikita nang matagalan sina Alden at Maine kaya magkahiwalay na kinunan ang kanilang mga eksena para sa TV commercial.

Excited ang fans ng Aldub na mapanood ang unang TV commercial ng kanilang favorite loveteam. Curious sila na malaman ang kuwento ng TV ad at paano ito nabuo dahil hindi nga magkasama sa frame sina Alden at Maine.

Personal na rin ang bangayan ng AlDub fans at ng mga tao na hindi bilib sa kanilang advocacy. Advocacy daw o!

May nag-tip sa akin na kumpirmado na aabot sa korte ang bangayan dahil may mga na-offend sa balitaktakan ng magkabilang-panig.

Alam ko na ang pangalan ng magdedemanda at ng idedemanda pero hintayin muna natin na makarating sa korte ang kanilang mga reklamo bago natin sila pangalanan. Pasaway at parang nananadya ang idedemanda kaya tutuluyan siya ng complainant.

ACIRC ALIGN ANG EAT BULAGA LEFT PRINCESS IN THE PALACE QUOT RYZZA RYZZA MAE RYZZA MAE SHOW STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with