Shokoy ni Paulo ipapalabas uli sa Wansa...

MANILA, Philippines – Aral tungkol sa halaga ng pagtanggap sa pagkatalo ang ibabahagi ng Kapamilya actor na si Paulo Avelino ngayong Linggo (Agosto 23) sa muling pagpapalabas ng  Wansapanataym episode niyang Cocoy Shokoy. Sa episode, gagampanan ni Paulo ang karakter ni Cocoy, isang binata na hindi nagpapatalo sa pag-ibig at sa paborito niyang sport na swimming. Dahil sa pagdating ng isang bagong estudyante, aabusuhin ni Cocoy ang mahiwagang kwintas na ipinagkaloob sa kanya ng isang syokoy upang mapanatili ang kanyang kasikatan sa kanilang eskwelahan. Ano ang gagawin ni Cocoy sa oras na siya ay maging isang syokoy dahil sa pag-abuso niya sa kapangyarihan ng kwintas? Matutunan na kaya niya na magpakumbaba at tanggapin ang kanyang pagkatalo at mga pagkakamali?

Kasama rin sa Cocoy Shokoy sina Coleen Garcia, Jobic Susim, Janus del Prado, Cai Cortez, at Amy Nobleza.

Show comments