Angel ibang klaseng magmahal
FREE LANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - August 22, 2015 - 10:00am

Bigla nga namang nanahimik ang isyu tungkol sa pagtakbo ni Luis Manzano bilang governador ng Batangas at papalit kay Vilma Santos.

Sa tingin din ni Vi ay hindi pa handa si Luis na tumakbo sa posisyon na iiwan ni Vi na mas pabor na tumakbo sa pagiging kongresista.

Mas gugustuhin pa ni Gov. Vi na tutukan na lang ang kasal sakaling lumagay na sa tahimik ang magkasintahang Angel at Luis ayon kay Vi dahil nasa marrying age na ang dalawa. Oo, nga naman.

Natanggap namin ang mensahe ni Angel Locsin na nag-text at gustong dalawin kami sa ospital dahil nalaman nitong na-confined kami sa Lung Center of the Philippines dahil sa lung congestion. Kaya mahal si Angel nang lahat (Ethel Ramos at ang inyong lingkod) ay dahil may malasakit ito sa mga marunong magpahalaga at tumulong sa kanyang career.

Iba ka talaga Angel kaya ka pinagpapala!

Bianca at Miguel, tuloy ang pagbibigay ng kaalaman

Maganda ang isinusulong ng magka-loveteam na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix dahil kahit abala sa pag-aaral ay isinusulong pa rin ang kahalagahan ng pagbabasa sa pamamagitan ng kanilang long term na kampanya na PASS-A BOOK ng BiGuel.

Sa pamamagitan nito magkakaroon ng palitan ng kuru-kuro tungkol sa palitan ng pinakagustong mga libro mula sa mga estudyante ng iba’t ibang mga paaralan.

Umaasa ang dalawa na maraming magdo-donate ng libro para sa adbokasiya ng magka-loveteam.

ANG ANGEL LOCSIN BATANGAS BIANCA BIANCA UMALI ETHEL RAMOS LUIS LUIS MANZANO LUNG CENTER OF THE PHILIPPINES MIGUEL TANFELIX VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with