Dalawang young actress, hinatulan ng magandang aktres!
FREE LANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - August 18, 2015 - 10:00am

Nakatali ang tatlong mga artistang babae sa isang major network. Minsan ay nahingan ng komento ang aktres kung ano ang masasabi tungkol sa dalawang sikat na young actress na nakasama niya sa isang teleserye.

Sabi ng aktres, ‘‘hindi ko sukat akalain na si young actress A ay mabait at friendly. Kahit hindi pa kami magkakilala ay nilapitan niya ako, bineso-beso at nakipagkuwentuhan!”

Kumusta naman si young actress B? tanong uli sa aktres. ‘‘Naku, kabaliktaran ng ugali ni young actress A dahil hindi marunong bumati, ni hindi man lang marunong ngumiti at may attitude problem.”

Yan ang pagkakaiba ng dalawang young actress ayon sa magandang aktres.

Megan at Tom, posibleng magkainlaban sa dagat?!

Bongga ang press launch ng Marimar na pinagbibidahan ni Megan Young. Siya ay sumasalamin sa makabagong at modernong Pinay. Excited na ang bidang si Megan na sumabak sa trabaho kung saan katambal nito si Tom Rodriguez na gaganap naman bilang Sergio.

Bilang Marimar, uunahin nito ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa kanyang sarili na ayon kay Megan ay totoong ugali niya sa tunay na buhay.

May nagtatanong tuloy na hindi kaya dumating sa punto na sa tagal ng kanilang pagsasama sa teyping at nasa magagandang lokasyon ng dagat pa ay may mamuong relasyon sa dalawa? Abangan na lang natin.

Kristoffer Martin may kakaibang pagmamahal sa maid!

Hindi namin binibitiwan ang Healing Hearts dahil maraming twist ngayon sa istorya. Ngayon gamitan naman para mapagselos ang mga mahal sa buhay. Ginagamit ni Joyce Ching si Lucho Ayala para pagselosin si Kristoffer Martin na mahal ang maid. Ginagamit naman ni Krystal Reyes ang ibang manliligaw para pagselosin si Kristoffer.

ANG BILANG MARIMAR GINAGAMIT HEALING HEARTS JOYCE CHING KRISTOFFER MARTIN KRYSTAL REYES LUCHO AYALA MEGAN MEGAN YOUNG TOM RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with