Delia nakatutok pa rin kay Carla
FREELANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - August 10, 2015 - 10:00am

Nagkita kami ng aming malapit na kaibigang si Delia Razon sa presscon-dinner ni Mayor Erap na ipinatawag ni Manay Ichu Vera Perez. Nagka­kwentuhan kami dahil matagal-tagal ding hindi kami nagkita.

Siya pala ay 84 years old na ngayon pero malakas pa rin at mahilig dumalo sa mga showbiz gathering lalo na kung ito ay tungkol sa pagtitipon-tipon sa Sampaguita Pictures.

Ayon kay Tita Del, hanggang ngayon ay lagi pa rin siyang nakasubaybay sa apong si Carla Abellana.

“Sabi ko sa kanya, lagi mong isipin na sa showbiz kapag ikaw ay isang artista dapat marunong kang makisalamuha sa mga tao. Higit sa lahat, dapat laging nakatungtong sa lupa kapag nakamtan ang tagumpay. Huwag lalaki ang ulo. Makinig kang mabuti kapag nagpapaliwanag o nagbibigay ng instruction ang iyong director at kung may suggestion ka gawin ito nang mahinahon,” sey nito.

May advice pa rin ito sa mga taong sobrang kumuha ng maraming pagkain sa plato pero hindi naman nauubos kainin.

“Kainin lang ‘yung kayang kainin dahil ang daming mga taong nagugutom ngayon,” dagdag pa ni Lola Delia.

Barbie si Dennis ang gustong unang kahalikan

Dream come true para kay Barbie Forteza na makasama sa isang proyekto si Dennis Trillo -- TV man o pelikula. Ngayong 18 years old na siya ay pinapayagan na siyang makipaghalikan kahit pa kay Dennis.

“Siguro puwedeng ang temang  May-December affair, ba? Kasi sakaling mabigyan ako ng kissing scene, gusto ko si Dennis ang unang makahalik sa akin. Sana’y mabigyan kami ng project ng GMA. Kahit magkabarkada o magkapatid ang gagampanan namin basta’t magkasama kami sa isang proyekto,” ani Barbie.

ACIRC ANG BARBIE BARBIE FORTEZA CARLA ABELLANA DENNIS TRILLO LOLA DELIA MANAY ICHU VERA PEREZ MAYOR ERAP SAMPAGUITA PICTURES TITA DEL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with