Carmina, ‘di apektado ang mga endorsement kahit nagmamaldita
FREE LANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - August 5, 2015 - 10:00am

Nag-enjoy si Carmina Villaroel sa pagganap bilang Alexa Meyers sa Bridges of Love na malapit nang matapos. Para sa kanya challenging ang karakter nito at mahirap laruin dahil malayung-malayo ito sa tunay niyang ugali. Maiinis ka naman sa pagiging sarcastic nito. Paiiba-iba rin ang ayos ng buhok ng aktres.

Hindi ba siya natatakot na baka ma-typecast sa character role?

‘‘Naku huwag naman sana kahit sinasabi nilang effective ako.’’

Malalaki ang endorsements ni Mina at kasama pamilya gaya ng Breeze at Selecta pero hindi naapektuhan ang kanyang mga endorsement. Wala namang nagreklamo sa mga ito at ang pagiging kontrabida ay hindi naman nakasisira ng kanyang image.

Snooky tagapayo na rin

Nakakuwentuhan namin si Snooky Serna sa presscon ng My Faithful Husband at natutuwa siya dahil naiiba ang karakter nito sa bagong serye bilang si Mercedes at ina ni Dennis Trillo.

“Malayung-malayo ang karakter ko rito sa tunay na buhay dahil balahura ako. Malayo ang loob ko sa aking anak dahil bunga ito ng panggagahasa.’’

Sa kabilang banda hanga si Kookie kina Dennis at Jennylyn Mercado dahil wala silang yabang sa katawan at kapwa magaling umarte.

Miyembro na ng Iglesia ni Kristo ang aktres at every Saturday ay may programa siya sa Net25 na nagbibigay ng mga payo.

Lihim ni Marvin ilalantad na

Sixteen years old lang si Marvin Cuntapay nang mapasok sa magulong mundo ng cybersex. Iniwan nito ang mundong ito para mag-aral sa Maynila kung saan nakilala niya si Princess. Aminadong bakla si Marvin hanggang nagtapat si Princess na buntis siya sa anak nila ni Marvin. Matapos magbakasyon sa kanyang pamilya naabutan na lang niyang nag-alsa balutan na si Princess at sumama sa ibang lalaki.

Ilalahad na ni Marvin sa kanyang magulang ang sekretong itinatago nito ngayong Biyernes sa Love Hotline pagkatapos ng Healing Hearts.

ACIRC ALEXA MEYERS ANG BRIDGES OF LOVE CARMINA VILLAROEL DENNIS TRILLO HEALING HEARTS JENNYLYN MERCADO LOVE HOTLINE MARVIN MARVIN CUNTAPAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with