Dennis susubukang makabuo kay Jen!
FREELANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - August 3, 2015 - 10:00am

Kung noon ay panay ang tanggi ni Dennis Trillo tungkol sa pagbabalikan nila ni Jennylyn Mercado ngayon ay hindi na. Nagsabi pa nga ito na wala siyang binabalikan sa mga past girlfriends.

Pero ngayon ay sinasagot na niya ang mga katanungan tungkol sa kanilang pagbabalikan. May dialogue pa nga ito na “susubukan naming mabuong muli ang aming relasyon pero malabo pa sa isip ang paglagay sa tahimik — mga five years from now.” Malaki raw ang ipinagbago ng aktres kung saan nag-mature na ito sa pagdaan ng mga taon.

Maraming mga nakakapansin batay sa mga kasama nilang artistang kasama sa My Faithful Husband nang mainterbyu namin na kinikilig sila kapag nakikita ang dalawa off cam. Sweet ang dalawa habang nag-uusap.

Joyce kering-kering humataw sa sayawan

Hindi lang pala sa pag-arte maaasahan si Joyce Ching kundi gayundin sa pagsasayaw. Kasali ito sa Throwback Pa More ng Eat Bulaga at nanalo laban kay Krystal Reyes. Maganda ang rapport ng dalawa sa Healing Hearts dahil magkaibigan pala sila.

Epektibo ang mga eksenang nagseselosan ang dalawa dahil kay Jay o Kristoffer Martin.

Kim at Kiko, hindi pa rin maingay?!

Isa pa rin sa inaabangang teleserye ang My Mother’s Secret tampok si Christian Bautista na magaling ding umarte.

Finale na ng serye sa Agosto 17 at maraming nanghihinayang dahil may kilig factor ang tambalan nina Kim Rodriguez at Kiko Estrada.

Sana after My Mother’s Secret ay mabigyan pa silang follow up teleserye para umingay ang kanilang tambalan.

ANG CHRISTIAN BAUTISTA DENNIS TRILLO EAT BULAGA HEALING HEARTS JENNYLYN MERCADO JOYCE CHING KIKO ESTRADA KIM RODRIGUEZ KRISTOFFER MARTIN MY MOTHER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with