Alden gusto nang makita sa personal si Yaya Dub
FREE LANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - July 31, 2015 - 10:00am

Malapit nang mapagod ang much-awaited premiere ng Kapuso program na Sunday Pinasaya.

Hatid ang iba’ t ibang klaseng pakuwela at patawa, pangungunahan ang programang ito ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, Comedy Queen AiAi delas Alas at ang paboritong tandem nina Jose Manalo at Wally Bayola.

Tinanong namin si Alden Richards tungkol sa babaeng nali-link sa kanya na si Yaya Dub (Maine Mendoza) na tampok sa Eat Bulaga.

Kinakikiligan ang tambalan ninyo ni Yaya Dub. May pag-asa bang ma-develop kayo sa isa’t isa? tanong namin.

‘‘Sa totoo lang, kahit buhok niya ay ‘di ko pa nakikita sa personal. Nagla-live sila sa barangay na pinupuntahan samantalang nasa studio naman kami ng Broadway Centrum. Hindi kami nagtatagpo. Gusto ko rin siyang ma-meet in person, ’’ ani Alden.

Nilinaw din ng guwapong aktor ang isyu sa kanila ni Julie Anne San Jose kung saan sinabing wala siyang nararamdamang awkwardness sa kanila.

Ayon sa director ng comedy-based program, may funny video pa na ipadadala sa programa kung saan ang mapipili ay may premyo.

Marian ayaw nang patusin ang mga nega

Ang ganda-ganda ni Marian Rivera nang dumalo sa presscon ng Sunday PinaSaya na magsisimula nang mapanood sa Agosto 9.

Kapag tinatanong siya tungkol sa maintrigang bagay ay hindi na siya sumasagot pa.

‘‘Puro positive things ang gusto kong isipin. Sa rami ng blessing ko magdu-dwell pa ba ako sa negative things?’’ aniya.

Kapag sinasabing kamukha niya ang magiging Baby o Little Marian sinasabi nito na magiging kamukha raw ito ni Dingdong Dantes.

Excited na siya sa bagong programa kung saan sinasabing hindi lang sila magpapatawa kundi magbibigay pa ng mga papremyo.

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG BROADWAY CENTRUM COMEDY QUEEN DINGDONG DANTES EAT BULAGA JOSE MANALO MARIAN RIVERA STRONG YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with