Richard tinuhog sina Dawn at Bea
FREE LANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - July 29, 2015 - 10:00am

Nang tanungin si Richard Gomez kung ano ang nararamdaman sa maiinit na eksena nila ni Dawn Zulueta ay hindi lang ito nailing kundi na-excite pa. Mag-asawa naman ang role ng dalawa sa The Love Affair ng Star Cinema kaya walang problema kung meron man silang mga lampungan.

Para maging makatotohanan ang eksena ay nag-usap mabuti ang director at si Chard at wala namang naging problema kay Dawn at sa asawa nito.

Natutuwa ang aktor dahil magkaka­trabaho uli sila ni Dawn kung saan pagkatapos ng The Love Affair ay gagawa naman sila ng teleserye.

Sa kabilang banda, nag-enjoy din si Chard na makatrabaho si Bea Alonzo kung saan may love scene din sila.

‘‘Noong una nahiya ako pero na-realize namin na family drama ito kaya maturity ang pag-atake namin sa role,” sabi ni Goma.

Palabas na ang The Love Affair sa Agosto 2 sa direksyon ni Nuel Naval.

Ces Quesada sasabak uli sa aktingan

Sasabak ngayong Biyernes sa Love Hotline ang veteran actress na si Ces Quesada bilang si Nanay Beth kasama sina Sanya Lopez at Andrew Schimmer para gampanan ang karakter nina Ederleen at Kevin.

Laging ipinagbibilin ni Nanay Beth sa kanyang anak na huwag munang mag-boyfriend. Kaso hindi ito nasunod at nabuntis si Ederleen matapos makipag-live-in kay Kevin.

Tinanggap ito ni Nanay Beth at pinatira sa kanila si Kevin pero hindi sila magkasundo kaya pinalayas sila.

Magkikita sa Love Hotline sina Nanay Beth at Ederleen. Sino ang susundin ni Ederleen, ang nanay niya o si Kevin?

Samahan sina Jean Garcia at Papa Dudut sa kanilang mga payo sa Love Hotline ngayong Biyernes pagkatapos ng Healing Hearts sa GMA 7.

Julie Anne malakas na uling kumain

Sobrang payat ni Julie Anne San Jose kaya napagkakamalan itong anorexic. Ayon sa young actress, magana siyang kumain pero hindi anorexic. Nagda-diet siya pero hindi nagte-take ng slimming pills. Si Jake Vargas ang k

ANDREW SCHIMMER ANG BEA ALONZO BIYERNES CES QUESADA EDERLEEN HEALING HEARTS KEVIN LOVE AFFAIR LOVE HOTLINE NANAY BETH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with