‘Di alam ang salitang toothbrush aktor sobrang baho!
FREELANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - July 27, 2015 - 10:00am

Akala namin ay sinisiraan lang ang aktor na ito na kanyang mga detractor dahil naiinggit sa kanya. Kesyo may bad breath ito at kung anu-ano.

Pero ayon sa kuwento ng isang driver na ang amo ay isa ring aktor na ubod naman ng linis ay nagsabing kapag nagre-report sa set ang aktor ay mukha itong dugyot na dugyot at ang dumi pa ng kuko at paa.

Tsika pa ng aming source na kapag nagsasa­lita ang aktor ay gusto siyang iwasan ng mga kausap dahil sa bad breath.

Wala namang makapagsabi sa kanya tungkol sa mabahong hini­nga dahil nahihiya sila at baka ma-offend ang aktor.

Kaya may nagtanong tuloy kung paano na kaya kung may halikan itong leading lady na ‘di masikmura ang baho ng bunganga? Magtitiis na lang sila, ‘di kaya?

Maribel therapy ang pagpipinta

Nakapagtapos ng Fine Arts sa U.P. si Maribel Lopez kaya magaling siyang magpinta. Nabibili ang kanyang mga painting kapag may exhibit sila kasama ang magagaling na celebrity painters. Nakakaalis ng stress ang pagpipinta ayon pa sa dating beauty queen.

Aktibong opisyales ng Actors Guild si Maribel bilang vice president (Internal Affair) kung saan tumutulong siya sa publicity at promo ng Actors Guild at sa series of fund raising projects. Hindi naman nauubusan ng proyekto ang aktres dahil visible pa siya sa mga pelikulang indie films. Nakalinya na ang pelikula nito tungkol sa buhay ni Nick Joaquin at may gagawing proyekto under Sinag Maynila ng Solar Pictures kasama ang anak na si Mara na magaling ding artista.

Graduate na rin ang anak ni Maribel ng Comm Arts sa Dela Salle kaya nakaka-focus muna sa pag-aartista. Kasama siya sa isang proyekto na tatampukan ni Kim Chui at Xian Lim.

Malaking break sa anak nito ang pelikulang Babaylan na gagawin ngayong November sa Palawan kung saan makakasama si Nora Aunor.

Hindi lang sa anak suwerte ang aktres kundi gayundin sa nobyong Amerikano kung saan isasama siya sa Italy ngayong Agosto para dumalo sa isang one woman exhibit show.

ACIRC ACTORS GUILD ANG COMM ARTS DELA SALLE FINE ARTS INTERNAL AFFAIR KIM CHUI MARIBEL MARIBEL LOPEZ NICK JOAQUIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with