Jana walang sumpong kahit pagod na sa trabaho
Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - July 23, 2015 - 10:00am

Kahanga-hanga naman ang bidang batang aktres na si Jana Agoncillo na unang napanood sa primetime teleserye ng Dream Dad. Ngayon ay bibigyang buhay ng child actress ang karakter ni Ningning, isang masayahing bata na puno ng pag-asa, pangarap at pagmamahal para sa kanyang magulang na sina Beauty Gonzales at Ketchup Eusebio.

Tinanong namin ang bata kung sinusumpong ba siya kapag nakadarama ng pagod na ginagawa ng ibang batang artista.

Sabi ni Jana ‘‘hindi po ako sinusumpong dahil mahal ko ang aking trabaho.’’

Puring-puri nga ito ni Direk Jeffrey Jeturian at sinabing magaling siyang artista, madaling magmemorya ng linya at walang problema kahit pagod na sa trabaho.

Kasama rin sa Ningning sina Sylvia Sanchez, Nyoy Volante, Rommel Padilla, Mercedes Cabral, Pooh, at John Steven de Guzman.

Mapapanood ang Ningning simula ngayong Lunes bago mag-It’s Showtime sa Prime Tanghali ng ABS-CBN.

Mister ni Ara naahas ng bakla

Ngayong Biyernes tunghayan sa Love Hotline ang pagganap nina Jackie Rice, Vince Gamad, at Dominic Rocco na bibigyang buhay ang pakikipagrelasyon ng huli sa kaibigan nitong bakla na si Jimmel.

Si Ara ang naghahanap-buhay para sa anak samantalang si JunJun ay nabarkada at naging batugan at palamunin. Minsan sa pag-uwi ni Ara ay nadatnan niya na kasiping ni JunJun sa kanilang kama si Jimmel na isang bakla.

Matanggap kaya ni Ara muli si JunJun kapag inaming lahat ang na­magitan sa kanila ni Jimmel?

Samahan sina Jean Garcia at Aiza Tabayoyong na bigyan ng bagong pag-asa si Ara sa Love Hotline ngayong Biyernes pagkatapos ng Healing Hearts sa GMA 7.

 

AIZA TABAYOYONG ANG BEAUTY GONZALES DIREK JEFFREY JETURIAN DOMINIC ROCCO DREAM DAD HEALING HEARTS JACKIE RICE JIMMEL LOVE HOTLINE NINGNING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with