Luis-Angel swak ang ugali sa ­kawanggawa
FREE LANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - April 1, 2015 - 10:00am

Maaasahan sa pagiging matulungin sa kapwa si Angel Locsin nang hindi naghihintay ng kapalit. Ilang ulit na itong tumanggap ng parangal mula sa isa iba’t ibang award giving bodies kabilang na ang Gintong Palad Public Service Awards dahil sa pagtulong sa kapwa laluna kapag may kalamidad. Mahina ang puso nito kapag nakakakita ng mga batang mahihirap at ayaw na maabuso ang mga kapwa niya kababaihan.

Ganito rin ang nobyong si Luis Manzano na maaasahan din sa pagtulong sa kapwa gaya nang ginawa nito nang pangakuan ng P150,000 ang komedyanteng si Atak sa Kapamilya Deal or No Deal para sa pagpapa-check up sa kanyang sakit. Pinabigay na lang ang napanalunang pera sa kanyang maysakit na ina at siya na ang sumagot sa P150,000 para sa medical check up ni Atak.

Mabait na anak si Angel kaya binigyan siya ng nobyo at makakatuwang sa buhay balang araw na isa ring matulunging tao na hindi na ipinag-iingay pa.

Makabuluhang semana santa..

Gawin nating makabuluhan ang Semana Santa sa paggunita sa hirap ng Panginoon sa pagtubos sa ating mga kasalanan. Magtika tayo sa mga kasalanan natin at laging pairalin ang pagmamahal sa kapwa.

ANG ANGEL LOCSIN ATAK GANITO GAWIN GINTONG PALAD PUBLIC SERVICE AWARDS ILANG KAPAMILYA DEAL LUIS MANZANO NO DEAL SEMANA SANTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with