Kaya ‘di pabor sa pre-nup agreement Toni ayaw isiping magkakahiwalay sila ni Direk Paul
FREELANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - March 30, 2015 - 10:00am

Maganda ang pananaw ni Toni Gonzaga tungkol sa pre-nuptial agreement kung saan nalalapit na ang pagpapakasal nila ni Paul Soriano. Hindi siya naniniwala sa ganitong sistema kaya wala siyang planong pumirma sa pre nup. Katwiran niya hindi naman daw siya kasingyaman nina Ayala o Zobel  para gawin ito.

“Siguro ang program ko kasi sa pag-aasawa, once you get into a relationship and once you get into the commitment that you want to be together forever, you will try your very best to make it work. So ‘yung sa akin kapag nag-prenup ka parang in the long run, iniisip mo na baka in the future baka maghiwalay kami. So kailangan sa akin ang pera ko. ‘Yung security mo nasa pera, wala doon sa tao. So I’d rather put my faith in God and to the person I’m marrying and keep on praying that it will work forever,” sabi ni Toni sa The Buzz noong Linggo.

Bianca nag-share ng blessings sa street childrens

Nakaroon ng post birthday celebration ang Kapuso Teen Star na si Bianca Umali sa kabila ng kanyang busy schedule. Kasama ang mga bata ng Kaisang Buhay Foundation sa tulong ng GMA Artist Center idinaos ito kamakailan lang sa Art in Island sa Cubao, Quezon City.

Bukod sa napasaya nito ang mga bata ay may regalo pa rin siya sa mga ito. Ayon kay Bianca gusto niyang ibahagi ang mga blessings na natatanggap sa mga street children ng Kaisang Buhay Foundation.

Mapapanood si Bianca sa Once Upon a Kiss at Ismol Family tuwing Linggo sa GMA.

ANG ARTIST CENTER BIANCA BIANCA UMALI ISMOL FAMILY KAISANG BUHAY FOUNDATION KAPUSO TEEN STAR LINGGO ONCE UPON PAUL SORIANO QUEZON CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with