Aktres, nagsisi kung bakit nagpatanggal ng eyebags
FREE LANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - March 29, 2015 - 12:00am

Nagsisisi ang isang aktres dahil sa pagpapatanggal nito ng eyebags sa isang clinic na mura lang ang ibinayad. Ayon sa aktres sana raw ay hindi niya tinipid ang sarili para naging maganda ang resulta ng pagpapatanggal ng eyebags.

Hindi pulido ang pagkakagawa nito kaya nag-iba rin ang hitsura ng aktres. Kapag may nakakausap siyang kaibigan hindi nito maiwasan at iba pa na tumingin sa kanyang mga mata.

Tsismis na pagse-senador ni Dingdong hindi matapus-tapos

Bakit kaya may mga tsismis kaming naririnig na papasok na sa pulitika si Dingdong Dantes at ito’y sa pagiging senador. Pero hindi pa naman ito kinukumpirma ng aktor.

Noong publicist pa ako ni dating konsehal Ariel Inton ay kinukumbinse niya si Dingdong na tumakbo bilang konsehal sa kanilang partido. Pero kapag tinatanong namin si Dingdong ay sinasabi nito na hindi siya papasok ng pulitika. Tama na raw sa kanya ang makatulong sa mga tao kahit hindi siya public servant.

Wala namang comment si Marian Rivera at sinasabing busy silang mag-asawa sa commitment sa showbiz.

Heart, kuntento sa buhay may-asawa

Nag-e-enjoy si Heart Evangelista bilang Misis ni Sen Chiz Escudero. Ayon dito kapag dumarating si Chiz mula sa trabaho ay maayos na ang bahay. Plano nga nilang mag-asawa na bumuo ng baby sa kalagitnaan ng 2016. Handang-handa na para maging mommy si Heart.

May gagawing teleserye si Heart kasama ang best friend na si Lovi Poe. Natutuwa siya dahil hindi siya magiging boring laluna kapag kasama ang kaibigan.

 

ARIEL INTON AYON BAKIT DINGDONG DANTES HEART EVANGELISTA LOVI POE MARIAN RIVERA PERO SEN CHIZ ESCUDERO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with