^

Pang Movies

Mike Tyson excited saktan ni Pacman si Mayweather!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Naniniwala ang former boxing champ na si Mike Tyson na nakakita na ng katapat si Floyd Mayweather Jr. sa katauhan ni Manny Pacquiao.

Si Pacman lang daw ang puwedeng humarap at makatunggali ni Mayweather dahil may sarili raw paraan ito kung paano nito mapapatumba ang kalaban.

“You need to put constant pressure on Floyd.

“Be in front of him all the time, but moving side to side and punching from angles.

“Manny is going to feint Floyd out of position a lot and make him throw more punches than he is used to, and that will open Floyd up,” sey ni Tyson na isa sa excited na mapanood ang laban ng dalawa on May 2nd sa Las Vegas, Nevada.

At sa tingin nga ni Tyson ay mas masasaktan nang husto si Mayweather sa laban nito kay Manny.

“Whatever happens in this fight, I really think that Floyd is going to be hit and hurt more than he has ever been before. We’re going to see how tough he is.”

Tinalo ni Angeline, magbibida sa Bituing Walang Ningning

Ang 20-year-old Cebuana na si Monica Cuenco ang siyang napiling gaganap bilang Dorina sa Bituing Walang Ningning: The Musical na itatanghal sa Newport Perfor­ming Arts Theater sa Resorts World Manila in June.

Tinalo ni Monica ang higit na 50 aspirants para sa role na Dorina. At sa tunay na buhay, pareho nga raw ang naging buhay niya sa buhay ni Dorina na unang napanood sa 1985 movie na pinagbidahan ni Sharon Cuneta.

Ulila na sa magulang si Monica at lumaki siya sa kanyang tiyahin sa Ormoc City. Pinagkakitaan nga niya ang pagkanta sa mga burol at sumasali rin siya sa iba’t ibang mga singing contests sa probinsya.

In 2010, sumali si Monica sa singing contest ng ABS-CBN 2 na Star Power: Sharon’s Search For The Next Female Pop Superstar. Tinalo siya rito ni Angeline Quinto.

Ngayon ay nabigyan na siya ng pagkakataon na maging bida sa isang bagong musical.

“Hiningi ko po talaga kay God ‘yun. Sabi ko, Lord, sana po ibigay Niyo sa akin ang pangarap na maging sikat na singer, at ibinigay naman Niya sa akin. Medyo kinabahan din po ako kasi ang daming magagaling at magaganda during the auditions. I always tell myself that whatever opportunity comes along always grab it because not everyone gets a second chance.”

Makakasama nga ni Monica sa Bituing Walang Ningning: The Musical ay sina Mark Bautista bilang Nico at Cris Villonco bilang Lavinia.

ANGELINE QUINTO

ARTS THEATER

BITUING WALANG NINGNING

CRIS VILLONCO

DORINA

FLOYD

FLOYD MAYWEATHER JR.

LAS VEGAS

TINALO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with