^

Pang Movies

Labi ni Dolphy gagawing Elvis Presley ng Pinas

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Si Eric Quizon ang nagsabi na may plano sila ng kanyang mga kapatid na ilipat sa Tanay, Rizal ang labi  ni Mang Dolphy dahil doon nila balak na itayo ang pinaplano na Dolphy Museum.

Nakalibing sa kasalukuyan ang labi ni Mang Dolphy sa Heritage Park at kung matutuloy ang paglilipat sa kanya sa Tanay, parang siya ang magiging Elvis Presley ng Pilipinas.

Hanggang ngayon, dinarayo ng fans ang puntod ni Elvis sa compound ng bahay niya sa Graceland, Memphis, Tennessee.

Sa dami ng mga gamit at awards na naiwan ni Mang Dolphy, mapupuno ng mga alaala niya ang Dolphy Museum na ilalagay sa malawak na lupain niya sa Tanay.

Ang sey ni Eric, ang production designer na si Joey Luna ang in charge sa catalogue ng mga gamit ng kanyang ama.

 Ikinatuwa ng fans ng Comedy King ang balita na magkakaroon ng Dolphy Museum. Nag-promise sila na kahit malayo ang Tanay, pupuntahan nila para makita ang mga personal na gamit ni Mang Dolphy.

Rita nag-iba na naman ang apelyido

Rita Daniela na ang bagong screen name ni Rita De Guzman na Rita Iringan ang tunay na pangalan. Kasabay ng pagpapalit ni Rita ng screen name ang pagpirma niya ng exclusive contract sa GMA Records.

Pumirma si Rita  ng kontrata sa GMA Records noong March 11. Nakilala si Rita bilang sweet at charming na aktres matapos tanghalin bilang grand champion ng Pop Star Kids at ngayon ay handa na siya na i-launch ang kanyang album.

Matagal nang ambisyon ni Rita na makagawa ng  isang album, at sa pagpirma niya ng kontrata sa GMA Records, hoping siya na matutupad ang kanyang pangarap.

Gusto rin niya na makilala  bilang Rita Daniela na edgy at malakas ang dating. 

“Yung album ko po, dance and R&B at ‘yung iba,  pang-chill lang at ito talaga ang sound ko. Hindi na ang Rita na Pop Star Kid na sweet. This time, edgy and matured na si Rita Daniela.”

‘One Direction hindi ko kilala’

May mga nagtatanong na sa akin tungkol sa pagdating sa bansa ng One Direction dahil gusto nila na ma-sight in person ang mga miyembro ng sikat na all boy band.

Consistent ang sagot ko na wala akong link sa producer ng concert ng One Direction sa Pilipinas at higit sa lahat, hindi ko kilala ang boy group na kinababaliwan nila.

Idol ko na si Papa Manny Pacquiao na marunong nang humindi sa mga nagtatanong at nanghihingi ng complimentary tickets. Mahirap humingi ng pabor. Sa edad kong ito, ayoko nang humihingi ng pabor para sa ibang tao. Kung gusto nila na manood ng mga concert, matuto sila na magbayad ‘no! 

Winwyn huhusgahan na

Good luck kay Winwyn Marquez dahil bukas na pala ang coronation night ng Bb. Pilipinas 2015.

Nai-imagine ko na ang tensyon na nararamdaman ni Alma Moreno para sa kanyang anak na first time na sumali sa isang national beauty contest.

Knowing Alma, siya ang higit na natetensyon kesa kay Winwyn na oozing with confidence. Kung manonood bukas si Alma sa Smart Araneta Coliseum, tiyak na siya ang pinakamaingay at papalakpak nang malakas bilang suporta sa kanyang anak.

Malamang na umapir din sa Big Dome ang mga kaibigan at kapwa artista ni Winwyn mula sa GMA 7 na masipag sa pangangampanya na iboto siya para sa isang special award na sponsored by ng isang sikat na brand ng shampoo.

                              

DOLPHY MUSEUM

MANG DOLPHY

ONE DIRECTION

PILIPINAS

RITA

RITA DANIELA

TANAY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with