Big time ang backer asawa ng hollywood actor na si George Clooney umapela sa UN na palayain si GMA
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - March 9, 2015 - 12:00am

Nakahanap ng kakampi at nakakita ng pag-asa si former President Gloria Macapagal-Arroyo kay Atty. Amal Alamuddin-Clooney.

The who si Amal? Siya lang naman ang asawa ng Hollywood actor na si George Clooney at may re­pu­tasyon si Amal bilang mahusay na international human rights lawyer. Ang kampo ni Mama Glo ang lumapit at humingi ng tulong sa asawa ni Papa George.

Naging generous naman sa pagtulong si Amal dahil inilapit niya sa United Nations Human Rights Council ang problema ni Mama Glo na matagal nang nakakulong sa Veterans Memorial Medical Center.

Si Amal ang naghanda ng complaint at siya rin ang nag-submit nito sa UN Working Group on Arbitrary Detention. Sinabi ni Amal na nilabag ng Philippine government ang karapatan na pang-tao ni Mama Glo na nakasaad sa International Covenant on Civil and Political Rights.

Hinihiling ng misis ni Papa George na makialam ang UN para mabigyan ng temporary freedom si Arroyo at makapagpagamot ito sa ibang bansa. Malaking balita ang pagtulong ni Amal kay Mama Glo dahil sikat na personalidad siya sa buong mundo at magagamit niya ang kanyang posisyon para mapagtuunan ng pansin ng UN ang matagal nang dilemma ng dating pangulo ng Pilipinas.

Mitch tuloy ang showbiz career kahit wala na si Jam

Inilibing na kahapon si Jam Sebastian ng Jamich at kahit tirik ang sikat ng araw, may cove­rage ang Startalk at mapapanood ito sa susunod na Sabado. Kinunan ng Startalk ang touching eulogy ni Mitch Liggayu tungkol sa kanyang pumanaw na boyfriend.

Kahit wala na si Jam, malaki ang tsansa na ipagpatuloy ni Mitch ang kanyang showbiz career dahil sa pagkakaintindi ko, may kontrata siya sa Viva Artist Agency.

Ryzza Mae nag-effort magsulat ng dedication sa regalo

Thank you kay Ryzza Mae Dizon dahil sa overdue Christmas gift na ipinadala niya sa akin. Nag-effort pa si Ryzza Mae na magsulat ng dedication para sa akin. Nakalagay sa handwritten note ng bagets ang “To Nanay Lolit, Bawal ang sad. Dapat happy!” O ‘di ba, talagang pinag-isipan ni Ryzza ang dedication na kalakip ng kanyang Christmas gift?

Ayokong isipin ni Ryzza na hindi ako marunong magpasalamat kaya ipinararating ko sa kanya ang aking taos-puso na pasa­salamat.

Jillian napag-iwanan si Ryzza Mae

Si Jillian Ward ang hottest child star nang biglang pumasok sa eksena si Ryzza Mae at hindi sinasadya na naagaw nito ang korona ni Trudis Liit. Isang taon lang ang agwat ng mga edad nina Jillian at Ryzza Mae pero dalagita na si Jillian na patangkad nang patangkad habang palapad naman nang palapad si Ryzza Mae.

Napansin ang height difference ng dalawa nang umapir si Jillian sa presscon ng Pari ‘Koy. Pagdating sa height, napag-iwanan na ni Jillian si Ryzza Mae na hindi nakapagtataka dahil may American blood siya.

Ryzza Mae kulang ang oras sa trabaho

Hindi puwedeng umapir sa mga tele­serye si Ryzza Mae dahil hindi na kaya ng schedule niya. Araw-araw na napapanood si Ryzza Mae sa Eat Bulaga, The Ryzza Mae Show at regular student siya sa isang private school.

Once a week naman ang taping niya para sa Vampire Ang Daddy Ko. Sa kabila ng busy schedule ni Ryzza Mae, tinitiyak ng TAPE Inc. na normal pa rin ang kanyang childhood. Ang TAPE Inc. ang producer ng Eat Bulaga at ng The Ryzza Mae Show.

AMAL EAT BULAGA JILLIAN MAE MAMA GLO PAPA GEORGE RYZZA RYZZA MAE RYZZA MAE SHOW
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with