Kasalang Heart at Chiz ipapapanood
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - February 25, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Bibigyan ng pagkakataon ng GMA Network na mapanood ng publiko ang kasalan nila Francis ‘Chiz’ Escudero at Heart Evangelista sa inihandang two-part wedding special na mapapanood ngayong Marso 1 at 8 sa Sunday Night Box Office (SNBO).

Noon pa lamang ay hangad na ng Kapuso actress na matagpuan ang kanyang prinsipe. Sa wakas, natapos na rin ang kanyang paghihintay dahil tinanggap na nila ni Chiz ang Sakramento ng Kasal sa harap ng Diyos at ng kani-kanilang mga mahal sa buhay.

Ang kanilang pag-iisang dibdib ay nagpapatunay na kayang hamakin ng pagmamahal ang lahat basta may paniniwala ka rito at kahit na anong mangyari, sa huli, matatagpuan mo rin ang pag-ibig na laan para sa iyo.

Para sa unang parte ng wedding special na pinamagatang,  Chiz & Heart Love, finally. The Beginning of Forever, ipapakita ang napaka-intimate at picture-perfect na seremonya ng kasal nina Chiz at Heart na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan na ginanap sa Balesin Island Club sa Quezon.

Masasaksihan din ang selfie video diaries ng mag-asawa tungkol sa kanilang nararamdaman ilang oras bago ang kanilang kasal. Ipapakita rin sa special ang video diaries ng bridesmaids ni Heart magmula nang sila ay dumating sa Balesin, ang 30th birthday celebration/despedida de soltera ni Heart, hanggang sa seremonya ng kanilang kasal at reception.

Ipapasilip din sa manonood ang pinaka-aabangang paglalakad ni Heart papuntang altar suot-suot ang kanyang timeless wedding gown, ang dramatic at emosyonal na panunumpa ng dalawa ng kanilang pag-ibig para sa isa’t isa, at ang kanilang first kiss bilang mag-asawa. 

Samantala, sa Marso 8 ay matutunghayan ang second part ng wedding special na pinamagatang Chiz & Heart Love, finally. The Wedding Concert.

Ipapakita sa mga manonood ang naging selebrasyon at reception sa Blue Leaf Filipinas kung saan ginawang isang “dinner concert” ang salu-salo na dinaluhan ng iba’t ibang personalidad sa showbiz at pulitika bukod sa mga kaibigan at mahal sa buhay ng mag-asawa.

 Para maiparamdam sa kanilang mga bisita ang naging expe­rience nila sa Balesin, mas naging espesyal ang dinner concert dahil dineko­rasyunan ang venue ng maraming bulaklak at crystals katulad ng set-up sa Balesin at muling ginawa nina Chiz at Heart ang wedding ceremonies na cake cutting at wine toast at sa unang pagkakataon ay ginawa nila na garter/bouquet toss.

Mapapanood din ng Kapuso viewers ang on-site videos at never-be­fore released interviews nina Heart at Chiz at ng kanilang mga kaibigan.

Ang naging hosts ng wedding reception ay sina Tim Yap at Christian Bautista samantalang nagkaroon din ang hindi malilimutang performances sina Ogie Alcasid, Jaya, Christian, Kris Lawrence, Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Mari­cris Garcia, Jonalyn Viray, Frencheska Farr at Asia ’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

Exclusive sa GMA ang coverage dahil binayaran nila ang right sa bagong mag-asawa.

 

Sinong lucky star ang maswerteng mananalo ng milyones?

Higit kalahati na sa 20 Lucky Stars ang nakapaglaro sa hit game show na Kapamilya Deal or No Deal at ilan na lang ang maaring magwagi ng isang milyong jackpot.

So far, ang beteranong aktor na si Rez Cortez ang nakapag-uwi ng pinakamalaking halaga na P450,000 habang ang sexy actress na si Yam Concepcion naman ang nag-uwi na pinakamababang halaga na piso. Sino kaya kina Arlene Muhlach, Baron Geisler, Bianca Manalo, Bonito, Epy Qui­zon, Eric Nicolas, Long Mejia, Ramon Christopher, at Ryan Bang ang hihiranging unang milyonaryo ngayong season?

Sa dalawang linggong umeere ang KDOND ay agad itong tinangkilik ng publiko sa patuloy na pama­mayagpag nito sa ratings. Bukod sa nakakamiss na tensyon habang nanonood, nakaaliw na kulit ng host na si Luis Manzano, at bagong format ng programa na unang beses na ginawa sa lahat ng ‘Deal’ franchises sa buong mundo, bagong inaaba­ngan din ng sambayanan ang interaksyon sa pagitan ng Lucky Stars.

Tutukan ang Kapamilya Deal or No Deal, Lunes hanggang Bi­yernes, 5:00  PM sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

BALESIN CHIZ HEART HEART LOVE KANILANG KAPAMILYA DEAL LUCKY STARS NO DEAL SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with