RWM inilatag ang mga pampasuwerte sa Chinese New Year!
Rodel C. Lugo (Pang-masa) - February 1, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sa pagpasok ng Lunar New Year ngayong Pebrero, handog ng pinakaunang one-stop, non-stop entertainment and tourism destination sa bansa, Resorts World Manila (RWM) ang Imperial Festival 2015.

Likas na sa mga Pinoy, na kahit walang Chinese blood, ang paniniwala sa Feng Shui at pagkahilig natin sa kung anu-anong pampasuwerte ng mga Chinese.

Malaki ang impluwensiya ng mga Chinese sa ating mga Pinoy lalo na sa entertainment. Naririyan ang Chinese-inspired teleserye na pumatok tulad ng rom-com na My Binondo Girl ng ABS-CBN noong 2011 nina Kim Chiu, Xian Lim, Matteo Guidicelli, at AiAi delas Alas. Dito rin unang nakilala ang minahal ng marami si “Ser Chief” ng Be Careful With My Heart na si Richard Yap.

Sa pelikula naman, nariyan ang isa sa mga pinaka-successful film series in Pinoy cinema na Mano Po na produced by Regal Entertainment. Ito ang Mano Po 1: My Fa­mily (2002) starring Maricel Soriano, Kris Aquino, Richard Gomez, Ara Mina, Eddie Garcia; Mano Po 2: My Home (2003) starring Susan Roces, Christopher De Leon, Lorna Tolentino, Kris Aquino, Zsa Zsa Padilla, Judy Ann Santos, Carmina Vilaroel, Jay Manalo, Richard Gutierrez, Angel Locsin, Karylle and Alessandra de Rossi; Mano Po 3: My Love (2004) starring Vilma Santos, Christopher De Leon Jay Manalo, Patrick Garcia, Angelica Panganiban, Carlo Aquino, John Prats, Angel Locsin, Sheryl Cruz, Jean Garcia, Dennis Trillo and Boots-Anson Roa; Mano Po 4: Ako Legal Wife (2005) starring Zsa Zsa Padilla, Rufa Mae Quinto, Cherry Pie Picache, and Jay Manalo, Mano Po 5: Gua Ai Di (2006) starring Angel Locsin, Richard Gutierrez, and Lorna Tolentino, at Mano Po 6: A Mother’s Love (2009) starring Sharon Cuneta, Christopher De Leon, Zsa Zsa Padilla, Heart Evangelista, Boots Anson-Roa, Kris Aquino and Ciara Sotto among others.

Kaya naman kasabay ng selebrasyong ito ay nagsimula na rin ang A World of Luck sa RWM na tatakbo sa buong buwan ng Pebrero. Ang launching ng Imperial Festival 2015 ay ginanap sa Genting Club ng RWM noong Enero 29 kung saan featured ang Asia’s leading Feng Shui and Astrology expert, Mr. Joey Yap.

Bukod sa masasarap na pagkaing inihain ng RWM, nag-perform din ang Philippine Ling Nam Athletic Association ng Dragon Dance bilang opening act ng nasabing launching. Pinahanga rin ng RWM Performers at Human Contortionist Tatiana ang mga dumalo sa kanilang nakaaaliw at breathtaking acts.

Bukod sa tips at seminar tungkol sa pampasuwerte ni Mr. Joey Yap at dahil sa Pebrero rin ang Valentine’s Day, kabilang sa mga dapat abangan lalo na ng mga magsing-irog ang pagta-transform into mini-Chinatown ng The Plaza in Newport Mall na may romantic twist dahil manghaharana ang UP Singing Ambassadors on Feb. 13 sa isang special concert na Music From the Movies.

Mula naman Feb. 14-16 magkakaroon ng official NBA All-Star Weekend Experience ang mahihilig sa basketball na handog ng NBA at BTV. At sa Feb. 20 naman magkakaroon ng Lunar New Year Lion & Dragon Dance at Firecracker Lighting activities.

Para sa iba pang detalye ng shows at events bisitahin lang ang www.rwmanila.com.

Bagong Sarah Geronimo at Sharon Cuneta, pinaghahanap na!

“Yes! I’m very mean and I love it!” ito ang linya ni Cris Villonco nang ma-interview sa launch ng Bituing Walang Ning­ning: The Musical kasabay ng kickoff ng Imperial Festival 2015 ng RWM. Hindi alintana ng beteranang stage actress na malinya sa mga kontra­bida roles. Pero bago ang role niyang kontrabida rin sa magtatapos na serye ng GMA-7 na Ang Lihim ni Annasandra, napanood si Cris sa Hari ng Tondo na official entry sa nakaraang Cinemalaya X Filmfest.

Ayon kay Cris, ang Bituing Walang Ningning ay isa raw sa kanyang mga personal favorite sa local films kaya excited na siyang gumanap bilang Lavinia Arguelles sa Musical na co-produced ng Viva Entertainment at Re­sorts World Manila. Unang ginampanan ni Cherie Gil sa movie ang role na Lavinia at nagpasikat sa kanya sa linyang “You’re nothing, but a second-rate, trying hard, copycat!”

Si Mark Bautista naman ang napiling gumanap bilang Nico Escobar na ginampanan ni Christopher De Leon sa original movie. Kababalik lamang ni Mark sa bansa kamakailan mula sa London dahil sa pagganap niya bilang ang dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Here Lies Love Musical.

“Kung anuman ang natutunan ko sa London ay ia-apply ko rito”, bungad ni Mark na halatang excited na rin sa gagawing musical. Aminado man si Mark na hindi pa niya napapanood ang pelikula ay “Ibubuhos ko lahat ng kakayanin ko,” aniya para mapaganda ang nasabing susunod niyang proyekto.

Dahil ito ang first venture ng Viva at RWM sa paggawa ng Tagalong Musical na hango sa Tagalog movie, gusto ni Mr. Vic Del Rosario, Viva Chairman at CEO, na humanap ng bagong pasisika­ting multimedia star tulad ni Sarah Geronimo. Si Sarah naman ang gumanap na Dorina Pineda (played by Megastar Sharon Cuneta sa movie) sa 2006 TV adaptation ng movie na base sa original story ni Nerissa Cabral.

Ayon pa kay Direk Freddie Santos, hindi ilalayo sa plot ng movie ang pamamahalaang musical. Though aniya, mas ie-ela­borate ang mga eksena rito. Lahat din daw ng gagamiting kanta ay OPM hits ni Willie Cruz. 

Ang mapalad na makakapasa bilang bagong Dorina Pineda ay hindi lamang makakasama sina Mark at Cris sa musical kundi magkakaroon din ng P1-M worth ng contract mula sa Viva. Ang auditions ay bukas sa lahat ng dalaga both amateurs and professionals, may edad mula 16 hanggang 20 at may kakaibang talento sa pag-awit at pag-arte. Dapat ay fluent din sa Tagalog at may pleasing persona­lity and good moral character ang mga sasali. Ang open auditions ay magaganap sa Feb. 28 at Mar. 1 sa The Plaza ng Newport Mall.

                                                                               

 

ANGEL LOCSIN CHRISTOPHER DE LEON DORINA PINEDA FEB IMPERIAL FESTIVAL MANO PO ZSA ZSA PADILLA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with