^

Pang Movies

Mga naging babae ni Dolphy walang magiging share sa mga ari-ariang ipinau-auction!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sa tantiya nila, mahigit daw na tatlong daang milyong piso ang naiwang ari-arian ng comedy king na si Mang Dolphy. Iyon ang kanyang naipundar sa loob ng maraming taon niyang pagi­ging isang artista. Karamihan daw diyan ay real estate properties sa kung saan-saan na ngayon ay ipinau-auction na ng kanyang mga anak.

Sinabi ni Eric Quizon na ipagbibili na nila ang properties na iyon para maituloy ang commitment ng Dolphy Foundation na magbigay ng scholarship ng mga deserving na kabataan. Ang iba naman ay hahatiin daw nang pantay-pantay sa lahat ng 18 anak ni Mang Dolphy. Pero niliwanag nila, ang mga anak lamang ang makakahati sa kanilang share. Wala isa man sa ina ng mga anak ni Mang Dolphy ang makakaparte sa kung anumang mapagbibilhan ng mga ari-arian. Walang pinakasalan si Mang Dolphy sa alinman sa mga ina ng kanyang mga anak.

Practical decision iyan dahil hindi rin naman ang lahat ng mga anak ni Mang Dolphy ay naging well off. Siguro nga, makakatulong iyan sa kanila para sa pagpapakatatag ng kanilang buhay, lalo’t wala na nga ang kanilang amang umaalalay sa kanila.

Hindi naman siguro mangyayaring matapos ang lahat ay magkakahiwa-hiwalay na ang magkakapatid. Kung iisipin mo nga, mas lalo silang dapat na magtulungan pagkatapos nilang maghati sa naiwan ng kanilang ama.

Kaya hinihingi ang sole custody Onemig natatakot na baka lumayas ng bansa ang asawa

Matagal na naming naririnig na mukhang may problema ang married life ni Onemig Bondoc. In fact, Mayo pa noong nakaraang taon ay may mga ganyan nang usapan. Hindi lang namin alam kung ano talaga ang problema dahil wala namang makapagbigay ng impormasyon. Ang asawa mismo ni Onemig, ang model na si Valerie Bariou ang una pang umamin na may problema nga ang kanilang married life. Ikinasal sila sa sibil at may dalawang anak, sina Armelle at Antoine.

Inisip namin na siguro naman maaayos pa ang problema, pero lumala nga hanggang sa malaman na lang naming kasunod na naghiwalay na pala sila nang tuluyan. Ang latest, hinihingi na ni Onemig sa hukuman ang “sole custody” ng kanilang dalawang anak. Sa ilalim ng ating batas, pinapaboran ang pananatili ng mga bata sa custody ng ina kung wala pa itong pitong taong gulang, at pagkatapos noon ay pinapipili na sila kung kanino nila gustong sumama. Iyon ay dahil sa paniniwala ng hukuman na mas mahalaga para sa maliliit pang bata ang pangangalaga ng isang ina.

Ang isa namang punto rito ay hindi naman talagang Pinay si Valerie, kundi isang French national. Maaaring iba ang treatment ng hukuman sa ganyang mga kaso, lalo na at naroroon nga ang pangambang umalis siya patungo sa abroad na dala ang mga bata.

Malungkot ang mga ganyang kuwento. Hindi lamang dahil sa pagkakagalit at paghihiwalay ng mag-asawa kundi dahil sa katotohanang ang mas mahihirapan ay ang kanilang mga anak, pareho pa namang babae. Hindi naman kasi natin maikakaila na kailangan ng mga bata ang pagkalinga ng ama at ina. May mga pangyayaring hindi maiiwasan, naiiwan ang pagkalinga ng mga bata sa isa lamang sa kanilang mga magulang, pero may epekto rin iyan sa mga bata. Hindi dahil sa kaya nilang ipagkaloob ang pangangailangan ng isang bata ay sapat na. Kailangan ng mga bata ang pagkalinga ng pareho nilang magulang.

Matagal nang napatunayan iyan, na ang mga bata mula sa broken families ay nagkakaroon ng problema sa kanilang paglaki.

vuukle comment

ANAK

BATA

DOLPHY FOUNDATION

ERIC QUIZON

IYON

KANILANG

MANG DOLPHY

ONEMIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with