Luis magpu-propose na raw kay Angel

Maraming nagtatanong kung kailan kaya ang marriage proposal ni Luis Manzano kay Angel Locsin? Nasa marrying age na naman ang dalawa at parehong matatag na ang kani-kanilang buhay.

Inaabangan na rin ngayon ang marriage proposal ni Paul Soriano kay Toni Gonzaga at kasunod na raw ang proposal ni Luis kay Angel?

Magkatotoo kaya ang hulang ito?

Alex pinagtatawanan ang hulang pagbubuntis

Pinagtawanan lang ni Alex Gonzaga ang hulang mabubuntis siya sa taong 2015. Paano raw mangyayari ‘yun gayung wala naman siyang boyfriend.

Pero simula pa lang naman ng buwan at malay natin, baka magkanobyo na siya.

Gaya nga ng sinasabi namin, sobrang strict ang mommy nila ni Toni at hindi sila pinapayagang makipag-date nang walang chaperone.

Dingdong uunahin ang baby kaysa sa pulitika?!

Laging sinasabi ni Dingdong Dantes na never siyang papasok sa pulitika. Noon pa man ay hinaharana na siyang tumakbong konsehal ng Quezon City pero ‘di natuloy.

Ngayon naman ay maugong ang balitang tatakbo itong senador sa 2016 elections. Malaking tulong sa kanyang kandidatura sakaling matuloy ang misis niyang si Marian Rivera. Malakas ang karisma nito sa tao at makamasa pa.

Pero sa ngayon, prayoridad ng dalawa ang pagkakaroon nila ng baby. Pangarap ni Marian na bigyan ng maraming anak si Dong, ‘di ba?

Lihim na pagbebenta ng katawan maitatago kaya sa asawa?!

Tatalakayin sa Love Hotline ang tanong kung paano sasabihin ng babae sa lalaking mahal niya ang kanyang lihim tungkol sa tunay na pagkatao.

Mabuting ina si Fermina na may apat na anak at mapagmahal sa kanyang live-in partner na si Rolando. Tuwing umaga ay tindera si Fermina ng mga prutas pero sa gabi ay nagbebenta ng sariling katawan.

Bibigyan solusyon ito nina Jean Garcia at May Soriano directed by Noel Anonuevo ngayong Biyernes 4:45 ng hapon sa GMA Network.

Show comments