^

Pang Movies

Mahabang baba ni Vic tuloy daw ang paghatid ng suwerte sa 2015

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Year of the sheep/goat/ram ngayong 2015 ayon sa Chinese calendar. Join kami sa taon na ‘yan pero wa na namin ibubuking ang taon nu’ng ipinanganak kami! Ha! Ha! Ha!

Sa February 19 pa opisyal na magsisimula ang Taon ng Tupa/Kambing. Deklarado itong special holiday kaya walang pasok sa nationwide!

Komo nga tuwing dumarating ang bagong taon ay nagsusulputan ang mga manghuhula na nagbibigay ng kanilang predictions, isang Feng Shui master naman ang ininvite sa The Ryzza Mae Show, si Master Hanz Cua kung saan ang mukha ni Ryzza Mae at ibang Eat Bulaga Dabarkdas ang binigyan ng predictions ni Master Cua.

Pinuri ni Haz ang bangs sa buhok ni Ryzza. Suwerte raw sa kanya ang bangs na ‘yon. Tugon ni Ryzza, “Pina-feng shui ko po ang buhok ko! Ha! Ha! Ha!”

Asset din daw ng Aling Maliit ang kanyang bilugang mukha. Datung daw ang hatid nitong suwerte.

Ang matangos na ilong naman ni Pauleen Luna ang pinansin ni Cua. Nagbibigay daw ng stability ito sa career niya. Ang kalaparan naman ng forehead ni Ryan Agoncillo ang kabilib-bilib kay Ryan. May dala raw itong maraming wisdom na ipinaaabot niya sa mga tao.

Pinag-iingat lang ni Master Hanz si Ryan sa mga back stabbers. Huwag daw masyadong magtitiwala sa mga taong malalapit sa kanya.

Ang square forehead at makapal na kilay naman ni Paolo Ballesteros ang sinasabing suwerte niya. Nararamdaman ng feng shui master ang determinasyon ni Paolo sa kanyang ambisyong matupad ito.

Sa mukha naman ni Vic Sotto, nandoon ang pagiging charismatic nito. Patuloy pa rin daw magdadala ng suwerte sa kanyang career at pag-ibig ang mahaba nitong baba, huh!

Kuwela naman ang pahayag ni Master Hanz sa ilong ni Allan K. Nakatulong ang pagiging malapad nito at dapa dahil hindi lumalabas ang yaman niya. Naiipon daw niya ang kanyang pera na hindi alam ng mga tao.

Sabi tuloy ni Ryzza, “Gusto kong gayahin ang ilong ni Tito Allan para ma­ging R.I.C.H din ako! Ha! Ha! Ha!

Of course, hindi natin dapat iasa ang ating kapalaran kada papasok ang Bagong Taon.  Kailangan din nating magsumikap at manalig sa Diyos dahil tayo rin ang gumagawa ng ating destiny, huh!

So sa Lunes, simula na naman ng kayod lahat. Sigurado na ang ating pagpapala mula sa Panginoon dahil tatlong blessed activities ang mararanasan ng lahat ngayon Enero – Pista ng Poong Nazareno, Pista ng Santo Niño, at pagdating ni Santo Papa Francisco!

Sarah at Matteo magkapiling sa pagpasok ng taon

Bagong Taon (January 1) nagkasama ang lovers na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Finally, nag-post ang aktor ng picture nila ng girlfriend na magkasama pang nakanguso sa picture sa Instagram account ni Matteo, huh!

Caption ni Matteo, “With the most beautiful person in the world. I love you. 2015 here we come!”

Sarap naman, Salve A!

 

ALING MALIIT

ALLAN K

BAGONG TAON

EAT BULAGA DABARKDAS

FENG SHUI

MASTER HANZ

MATTEO

NAMAN

RYZZA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with