^

Pang Movies

Kasalang Heart at Chiz ’di raw puwedeng masyadong i-play up, baka magamit sa election

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagtatampo raw si Heart Evangelista sa GMA dahil halatang mas bongga ang publicity ng nalalapit na pag-iisang dibdib nina Marian Ri-vera at Dingdong Dantes. Sobra raw ang exposure ng upcoming marriage nina DongYan.   Pero may nagkumentong si Marian daw ay pusong GMA at si Heart ay lumipat lang galing Kapamilya kaya natural na mas alaga ng network ang nauna. Saka pulitiko naman daw ang mapapangasawa ni Heart at baka magamit pa ang GMA sakaling bigyan din nila ng mala-king exposure sina Heart at Sen. Chiz Escudero.

Eh nalalapit pa naman nga ang election, baka mabigyan pa ng ibang kulay.

Saka natural na ibubuhos nila sa sarili nilang ‘produkto’.

Sharon hindi alam kung paano magpa-Pasko

Malungkot ang darating na Pasko kay Megastar Sharon Cuneta at anak niyang si KC Concepcion.

Wala na kasi si Mommy Elaine Cuneta na laging katsikahan ng mag-ina. Sumbungan din siya ng mga problema nila sa showbiz. Masyadong dinamdam ni Mega ang pagkamatay ng kanyang ina. Noong last tribute para kay Mommy Elaine, walang patid ang pagluha niya. Naalala kasi niya ang mga masasayang memories nila, lalo na si KC na maka-lola.

Napapawi lang ang lungkot ni Mega kapag may nababanggit na “lahat naman ay patungo roon, una-unahan lang.” Hindi niya alam kung paanong haharapin ang darating na Kapaskuhan.

Chanel Latorre thankful sa Maratabat

Malaki ang pasasalamat ng baguhang si Chanel Latorre sa pagbibigay ng break sa kanya sa Maratabat (Pride and Honor), directed by anchor woman Arlyn dela Cruz. Sa movie, katambal niya sina Ping Medina at Carlo Cruz. Big star nilang kasama si Elizabeth Oropesa. May kinalaman sa human rights, pride, at honor ang tinutumbok ng naturang pelikula na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) New Wave.

Iniwan muna ang pagtuturo Joey Albert balik-’Pinas

Magbabalikbayan ang singer na si Joey Albert na umaawit ng Tell Me, Ikaw Lang ang Mamahalin, at Iisa Pa Lang at mapapanood sa Eclipse Entertainment lounge ng Solaire Resort and Casino sa Nov. 19 at sa Music Hall sa Metrowalk Ortigas naman Nov. 20. Part time teacher si Joey sa Good Shepherd Day Care Center na pag-aari niya sa Canada.

Darren nalunod sa isang basong tubig?!

Mahigpit daw ang handler ni Darren Espanto dahil minsang may mga gustong magpa-picture sa bagets ay hinila agad ito. Huwag mong ipagdamot sa fans ang alaga mo! Matapos daw tulungan sa pagboto sa text, lumaki agad ang ulo ng batang singer.

Huwag naman sana! Sandali lang ang suwerte sa showbiz. Utang na loob niya sa kanyang fans ang pagkapanalo sa The Voice Kids.

CARLO CRUZ

CHANEL LATORRE

CHIZ ESCUDERO

DARREN ESPANTO

DINGDONG DANTES

ECLIPSE ENTERTAINMENT

ELAINE CUNETA

JOEY ALBERT

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with