^

Pang Movies

Hindi raw kasi purong Pinay pagkapanalo ni Valerie ginagawan ng isyu!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May mga nag-e-emote dahil may lahi at hindi pure Filipina ang nag-win ng Miss World-Philippines 2014, si Valerie Weigmann na humalili kay Megan Young na isang Filipina-American.

Asking sila kung bakit hindi mga full-blooded Pinay ang mga nananalo sa Miss World-Philippines dahil Filipina-French naman si Gwendoline Ruais na first runner-up sa Miss World noong 2011.

Sa totoo lang maraming full-blooded Pinay ang nag-join sa Miss Philippines-World pero nagkataon na sina Gwendoline, Megan, at Valerie ang mga pinalad na mag-uwi ng korona.

Kahit may mga lahi ang tatlo, ipinagmamalaki nina Gwendoline, Megan, at Valerie na mga tunay na Pilipino sila sa isip, salita, at sa gawa.

May kakambal na pressure ang tagumpay ni Valerie dahil inaasahan ng mga Pinoy na mapapantayan niya ang achievement ni Megan sa Miss World noong 2013. Gumawa ng kasaysayan si Megan dahil siya ang kauna-unahang Pinay na nanalo ng Miss World crown. Nahigitan niya ang achievements nina Evangeline Pascual at Gwendoline na mga First Princess lamang sa Miss World noong 1973 at 2011, respectively.

Nang ma-dethrone si Marjorie Wallace bilang Miss World noong 1973, inialok kay Evangeline ng pageant organizer ang korona minus the prizes kaya tinanggihan niya ang offer. Sosyal si Evangeline ‘di ba?

Valerie hindi sosyal ang gown na sUot, parang naka-tapis lang

May napansin ako sa mga gown na ginamit ng mga kandidata ng Miss World-Philippines.

Parang mga nakatapis lamang sila. Tapis ang tawag sa mga damit na ginagamit noong araw ng mga kababaihan na naglalaba sa batis o ilog.

Mala-tapis ang pinakasosyal na gown ni Valerie sa Miss World-Philippines kaya hindi queenly ang dating niya nang isalin sa kanya ni Megan ang korona ng Miss World-Philippines at nang rumampa siya sa stage.

Janine pasadong host ng beauty pageant

Host ng Miss World-Philippines 2014 si Janine Gutierrez na matagal nang nililigawan na sumali sa beauty contest.

Tempting ang offer pero wala sa bokabularyo ni Janine ang maging beauty queen, kahit qualified siya. Parang kuntento na si Janine na TV host, actress at siyempre, girlfriend ni Elmo Magalona.

Kung tama ang pagkakaintindi ko, first time ni Janine na nag-host ng isang national beauty contest at nakapasa siya sa pihikan na panlasa ng televiewers. Ang sabi ng mga nanood ng coronation night ng Miss World Philippines, parang beauty queen din si Janine dahil sa kanyang ganda at tindig. Kayo na ang maging apo nina Eddie Gutierrez at Pilita Corrales at maging pamangkin ni Ruffa Gutierrez.

Warning system ng Japan sa mga bagyo dapat gayahin ng ating bansa

Kanselado ang mga flight kahapon papunta sa Japan dahil sa malakas na bagyo roon.

Maraming Pilipino ang nakatira sa Japan at nakaranas ng malakas na bagyo na nanggaling muna sa Pilipinas, ng Typhoon Ompong na may international code name na Vongfong.

Ang Typhoon Vongfong ang itinuturing na  pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong 2014 at  ikinukumpara sa Typhoon Yo­lan­da na nanalanta sa probinsya ng Leyte noong 2013.

Nakabibilib ang pagiging handa ng Japanese government sa pagdating ng bagyo sa kanilang bansa. Ang sabi ng mga Pinoy sa Japan, nalalaman nila na papalapit na ang bagyo dahil sa sabay-sabay na pag-alarma o pag-alerto ng kanilang mga cell phone na puwedeng i-adapt o gayahin sa Pilipinas kung makikipagtulu­ngan ang mga telecommunication company.

vuukle comment

GWENDOLINE

JANINE

MEGAN

MISS

MISS WORLD

MISS WORLD-PHILIPPINES

VALERIE

WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with